'Pawikan Patrollers', dokumentaryo ni Kara David, ngayong Sabado sa 'I-Witness'
I-WITNESS: KARA DAVID TEAM
AIRING: NOV. 20, 2021
“PAWIKAN PATROLLERS”
Sa bayan ng San Juan, La Union – hindi lang mga turista ang dumarayo para sakyan ang malalakas na alon. Dahil kasabay ng pag-ihip ng hanging amihan ay ang pagdating naman ng mga pawikan na taun-taon ding bumibisita sa lugar para mangitlog.
Iyon nga lang, sa paniniwala na gamot ito sa mga sakit --- nakagawian noon ng mga residente rito na kainin ang itlog ng pawikan gaya ng mangingisdang si Jessie Cabagbag. Naibebenta rin daw noon ang itlog sa halagang seis pesos kada piraso. Pero nang simulan ni Carlos Tamayo ang proyektong CURMA o Coastal Underwater Resource Management Action, nahikayat ang mga dating poacher na maging “pawikan patroller.” Sa tuwing sasapit ang pawikan season, gabi-gabi nilang binabaybay ang dalampasigan ng San Juan pati na ang karatig bayan nitong Bacnotan, para hanapin ang mga itlog ng pawikan. Beinte pesos ang makukuha nila sa kada piraso at dadalhin ang mga ito sa hatchery ng CURMA kung saan mas mataas ang tsansa na mapisa ang mga itlog.
Pero kasabay ng pagsilang ng mga batang pawikan --- tatlong matatandang pawikan naman ang natagpuang patay sa San Juan sa loob lang ng labinwalong araw. Sa pamamagitan ng necropsy, ano kaya ang natuklasang sanhi ng kanilang pagkamatay?
Sa pagsama ni Kara David sa mga pawikan patroller, makahanap kaya sila ng mailap na pugad ng pawikan?
Panoorin ang pinakabagong dokumentaryo ni Kara David na “Pawikan Patrollers” ngayong Sabado sa I-Witness, November 20, 2021, 10:30pm sa GMA 7.
ENGLISH VERSION
The town of San Juan, La Union is often flocked by surfers chasing the big waves. But as soon as the northeast monsoon blows, a familiar visitor arrives on its shores to lay their eggs.
Fisherman Jessie Cabagbag, along with many other residents, used to eat pawikan eggs believing it is a cure for different illnesses. They also made a living selling these eggs at six pesos per piece. But when Carlos Tamayo started the project CURMA or Coastal Underwater Resource Management Action, former poachers like Jessie turned into “pawikan patrollers.” Every night during the pawikan season, they would walk along the shores of San Juan and the neighboring town of Bacnotan, in search of pawikan eggs. The patrollers get an incentive of twenty pesos for every piece that they surrender to CURMA.
Ironically, with the birth of the hatchlings, three adult pawikans were found dead in just a span of eighteen days. What would the necropsy reveal as the cause of their unfortunate demise?
As Kara David joins the patrollers, will they be able to find the elusive pawikan nests?
Watch Kara David's latest documentary “Pawikan Patrollers” this Saturday in I-Witness, November 20, 2021, 10:30pm on GMA.#