Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Tahimik na Sigaw', dokumentaryo ni Mariz Umali, ngayong Sabado sa 'I-Witness'


 

I-Witness: Tahimik na Sigaw
Airing: October 30, 2021
Host: Mariz Umali

Normal na makaramdam ng takot. Minsan, nakatutulong pa itong mailayo ka sa disgrasya.  Pero kapag hinayaan mong mamayani sa iyo ang takot, malilimitahan ang iyong mga karanasan.

 

 

Ngayong Sabado, masusubok ang katatagan ni Mariz Umali nang pasukin niya ang isang abandonadong ospital na nasa itaas ng isang burol. Binubuo ito ng tatlong palapag na napalilibutan ng mga dambuhalang puno ng balete.  Nagsimula na ngang lamunin ng mga naglalakihang ugat ang ilang parte ng lumang istruktura na halos 30 taon nang inabandona. Halos walang impormasyong makukuha tungkol sa kasaysayan nito na dumagdag pa sa misteryong bumabalot sa dating ospital.  Pero ang mga residente, maraming kuwento ng kababalaghan na mismo nilang naranasan ang handa silang ibahagi sa kanino mang matapang na magtatanong.

 


Si Janine Piñon, lumaking naglalaro sa paligid ng dating ospital. Naaalala pa niya nang may makita siyang batang lalaking naglalaro at tumakbo papunta sa dating morge. Sa pag-aakalang isa rin itong bata, sinundan niya ito hanggang sa bigla itong naglaho nang pumasok sa napakaliit na bitak sa pader.

Si Ricardo Madriaga, ang matagal nang nangangalaga sa lugar, naalala pa ang kuwento ng misteryosong babaeng madalas daw na tumatawag sa pangalan niya kapag sumasapit ang dilim.  Minsan na rin daw niyang nakita ang babaeng nakatingin sa kanya mula sa abandonadong ospital.

 

 

Sa pagpasok ng I-Witness team sa ospital, maraming pangyayari ang kanilang naranasan—mga pangyayaring mahirap ipaliwanag.  May pagkakataong bigla na lang bumibitiw ang recording ng isang camera at may mga tunog na nai-rerecord kahit na wala namang naririnig na ganoon habang nagaganap ang shoot.  Mismong si Mariz Umali, may nakatitindig-balahibong karanasan din nang biglang may gumalaw sa madilim na bahagi ng pasilyo sa gitna ng kanyang pagsasalita.

Ano pa kaya ang mga sikretong nakatago sa mga abandonadong silid ng ospital na ito? Alamin ngayong Sabado sa isang espesyal na Halloween episode ng I-Witness, 10:30pm pagkatapos ng Daddy’s Gurl.

ENGLISH VERSION

Fear is a normal emotion that can protect you from danger. But letting fear control and dictate your actions can limit your experiences.

This Saturday, Mariz Umali tests her inner strength as she enters an abandoned hospital up in a hill which has gained a reputation for being haunted.  This old structure is surrounded by huge Ficus trees.  The roots have begun to engulf portions of the hospital that has been abandoned for about 30 years.  Adding to its mystery is that fact that nobody knows much about the history of this hospital, but the residents have plenty of creepy stories to share.

Janine Piñon grew up playing in the grounds of the hospital.  She remembers seeing a child playing in the area near the morgue.  Thinking it was a just another kid, she follows him until she sees him magically disappear inside a tiny crack on the wall.

Ricardo Madriaga, a long-time caretaker of the hospital ruins, tells of stories more sinister.  He shares that for a month, he would hear a woman calling his name at night and at one point claiming to see a woman clad in white sitting and staring at him from the abandoned hospital.

As the I-Witness team enters the hospital, many unexplained events begin to unfold—from a camera that suddenly begins to malfunction to strange noises being recorded but could not be heard during filming.  Host Mariz Umali experiences a spine-tingling moment as she catches a sudden movement in her peripheral vision, in the dark, empty hallway.

What other secrets lie hidden inside the deserted hallways of the hospital? Find out this Saturday on a special Halloween offering of I-Witness, 10:30pm after Daddy’s gurl.