'Koronang Tinik', dokumentaryo ni Atom Araullo, ngayong Sabado sa 'I-Witness'
I-WITNESS
KORONANG TINIK
Host: Atom Araullo
Airing: August 21, 2021
Kamakailan lang, nabahala ang mga residente ng Jose Panganiban sa Camarines Norte dahil sa pagdami ng ‘crown of thorns’ o kung tawagin nila’y dap-ag sa karagatan na sumasakop dito. Ito ay isang uri ng starfish na kumakain ng “coral reefs” o bahura.
Napakaimportante ng mga bahura dahil ito ang nagsisilbing tahanan, nagbibigay proteksyon at pagkain sa mga lamang-dagat.
Patuloy na dumarami ang bilang ng mga dap-ag. Napakarami na ring mga bahura ang pinapatay ng mga ito. Ang mga bahurang nalikha ng daang taon ay sinisira sa isang iglap lamang.
Mangingisda ang halos lahat ng residente sa mga bayan ng Camarines Norte. Isa ang overfishing sa itinuturong dahilan ng pagdami ng mga dap-ag. Kasamang nalalambat ang mga kalaban nito.
Ang photographer na si Art Andaya, tubong Camarines Norte, ay nanguna sa pagsasagawa ng mga paraan para maaksyunan ang problema. Humingi sila ng tulong mula sa iba’t-ibang sangay ng pamahalaan at mga NGO.
Araw-araw nilang sinisisid ang mga bahura para mano-manong tanggalin ang mga dap-ag na nakakapit sa mga bahura.
Sinamahan ni Atom Araullo sina Art at ang ilang miyembro sa pagsisid. Dito, nasaksihan niya ang kalunos-lunos na sinapit ng mga bahura sa galamay ng mga dap-ag.
Libo-libo kung mangitlong ang mga dap-ag kaya panahon at kakulangan sa gamit ang kalaban ng grupo nina Art.
Huwag palalampasin ang “Koronang Tinik,” dokumentaryo ni Atom Araullo. Ngayong Sabado sa I-Witness, ika-21 ng Agosto, 10:15pm sa GMA!
ENGLISH VERSION
Recently, an outbreak occured in the province of Camarines Norte. It involved the destruction of coral reefs nestled on the seabed of the Pacific Ocean.
The culprits are the species called “crown of thorns,” a kind of starfish. They attach themselves like glue to the corals, slowly eat them, thus killing them in the process.
Coral reefs are very important because they provide protection and shelter for different marine species. But crown of thorns continue to increase in number because they lay thousands of eggs, aside from the dangers put by some fishermen by overfishing.
Art Andaya, a native of Camarines Norte, volunteers to help in curtailing the population of the crown of thorns. He gathered a group of residents and asked for the assistance of NGOs and the LGU to provide them with resources. They dive every day to detach the crown of thorns from the stems of the corals.
Catch Atom Araullo’s “Koronang Tinik” documentary this Saturday in I-Witness, August 21, 2021, 10:15pm on GMA!#