Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Balik-Loob', dokumentaryo ni Kara David, ngayong Sabado sa 'I-Witness'


“BALIK LOOB”
I-WITNESS KARA DAVID
AIRING DATE: JULY 31, 2021

 

 

Nabuhay man sila noon sa karahasan at pakikipaglaban, nagawa naman nilang magbalik loob at ngayo'y tahimik nang naninirahan sa kabundukan.

 

 

Dating kumander ng NPA o New People's Army si Teoderico Manzano na mas nakilala sa alyas na “Ka Omar”. Mahigit isandaang katao raw ang hawak niya noon at makailang beses nang napasama sa engkuwentro. Patunay daw dito ang tama ng bala sa kanyang panga, dahilan kung bakit hirap siyang magsalita. Nakasama rin si Ka Omar sa RHB o Rebolusyunaryong Hukbong Bayan.

 

 

Bukod kay Ka Omar, naging miyembro rin ng NPA ang lima pa niyang kapatid kabilang na sina Ormelita at Rogelio. Ang nagtulak sa kanila na sumapi sa kilusan – ang diumano’y pagpatay  ng mga militar sa isa pa nilang kapatid.

 

 

Paghihiganti rin daw ang dahilan ni Ronald Pascasio kung bakit siya sumali sa NPA noon. Ang kanyang mga magulang kasi, walang awa raw na minasaker ng mga sundalo. Tinalikuran niya ang kanyang pamilya para mag-rebelde at ilagay ang hustisya sa sarili niyang mga kamay.

 


Pero makalipas ang mahabang panahon --- nagpasya sina Ronald, Ka Omar, gayundin ang kanyang mga kapatid na sumuko at talikuran ang pagiging rebelde. Ano nga ba ang nagtulak sa kanila na magbagong buhay? Paano na lang ang pinakahahangad nilang hustisya para sa mga pinaslang na kaanak?

 

 

Tunghayan ang kanilang kuwento sa pinakabagong dokumentaryo ni Kara David na “Balik-Loob” ngayong July 31, Sabado, 10:15pm sa GMA.

ENGLISH VERSION

Teoderico Manzano, otherwise known as Ka Omar, was a former commander of the New People's Army or NPA. With more than a hundred men under his command, he has gone through numerous encounters that have left a big scar near his chin, which made it difficult for him to speak. Later on, Ka Omar became a member of the RHB or “Rebolusyunaryong Hukbong Bayan.”

Five of Ka Omar’s siblings also joined the NPA, including Ormelita and Rogelio. What motivated them to fight against the government was the death of one of their brothers who was allegedly murdered by some members of the military.

Just like the Manzano siblings, Ronald Pascasio was also fueled by vengeance when he joined the NPA. When his parents were allegedly killed by the army, he left his family to join the rebellion and take justice into his own hands.

After many years, Ronald, Ka Omar and his siblings decided to surrender. What made them decide to live peacefully? What happened to their fight for justice?

Kara David tells their stories in her latest documentary “Balik-Loob” airing this Saturday, July 31, on I-Witness, 10:15pm on GMA.