Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Virus Hunters', dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo, ngayong Sabado sa 'I-Witness'


I-Witness: “Virus hunters”
Host: Sandra Aguinaldo
Airing: June 19, 2021

 

 


Lumalabas sila pagkagat ng dilim.

Sa loob ng masukal na kagubatan, isinusuot nila ang kanilang mga mask, gloves, at puting coveralls. Ibinabalot nila ng mabuti ang sarili.  Tahimik nilang inilalatag ang mga lambat at isinasabit sa mga puno.

Pagkatapos, sisimulan na ang paghihintay.

 


Pagsapit ng gabi, maririnig ang mga unang tunog na hudyat na may nahuli na.  Isa-isang sumasabit sa lambat ang mga paniki na kinatatakutan ng marami ngayon dahil sa coronavirus na nagdala ng pandemya sa buong mundo.

Ang mga nahuling paniki, mamarkahan saka isinisilid sa loob ang mga bag para dalhin pababa ng bundok.  Isang pansamantalang laboratoryo ang inihanda para sa mga scientist ng University of the Philippines Los Baños.  Isinusukat ang lapad ng mga pakpak at maingat na hinahawakan ang mga ulo para sa mai-swab ito.  Kumukuha rin ng mga sample ng dumi ng paniki. Kapag nakumpleto na ang datos, pinakakawalan na silang muli. Ayon sa pinuno ng research at ecologist na si Professor Phillip Alviola, naghahanap sila ng mga strain ng coronavirus na may potensyal na maipasa sa tao mula sa mga hayop.

 


Nagsimula raw ang pag-aaral nila sa mga paniki bago pa man magkaroon ng pandemyang dala ng Covid 19.  Minsan na rin daw nagkaroon ng outbreak ng virus mula mga paniki ang bansa.  Noong 2014, isang outbreak mula sa henipavirus ang naitala sa dalawang barangay sa Sultan Kudarat.

 

 

Hindi lingid sa mga researcher na mas delikado ang pag-aaral ng mga paniki ngayon.  Hindi kasi sila nakasisiguro na walang dalang virus ang mga hinahawakan nilang hayop.  Pero ang tiyak, malaki ang potensyal ng kanilang pag-aaral na makapagligtas ng maraming buhay.  .

 

 

Kaya habang ang maraming tao ay nahihimbing sa pagtulog, masayang isang araw na naman sa pandemya ang napagtagumpayan… patuloy silang lalabas sa pagkagat ng dilim.

Ngayong Sabado, sasamahan ni Sandra Aguinaldo ang “Virus Hunters” sa I-Witness, 10:15 ng gabi, pagkatapos ng Daddy’s Gurl, sa GMA.

English translation

They come out at night.

Inside the thick rainforest, they don their masks, gloves, and white coveralls, wrapping themselves securely. Quietly, they lay out the nets, hanging them from tree to tree.

And then they wait.

As night falls, they hear the first squeaking sounds signaling the catch.  The net has captured a bat—a creature that is justifiably feared because of the coronavirus that has brought the world to its knees.

Tagged and bagged, all of the captured horseshoe bats are brought down from the mountain.  A makeshift lab is set out for the scientists from the University of the Philippines Los Baños.  They measure the wingspan of the bats. Holding the tiny heads carefully, they swab the mouth and collect faecal matter. After gathering the data, they release the bats back into the wild. Head researcher and ecologist, Professor Phillip Alviola says they are trying to look into strains of the coronavirus that has a potential to be passed on from animals to humans.

They say the bat research began even before the pandemic brought about by Covid 19, and an outbreak of a virus from bats has precedence in the Philippines. Year 2014, an outbreak of the henipavirus hit two villages in Sultan Kudarat.

The researchers are aware that bat research is riskier now because they will never know if the animal they are handling is already infected with the virus. What they do know, is that the study has the potential to save many lives. So while the rest of the population lay asleep, thankful to have survived another day in the midst of a pandemic… the virus hunters continue to come out at night.

Sandra Aguinaldo joins the “Virus Hunters” in their quest for answers, this Saturday on I-Witness, 10:15pm after Daddy’s Gurl in GMA. #