'Unwanted', dokumentaryo ni Kara David, ngayong Sabado sa 'I-Witness'
I-WITNESS E-SERIES
EPISODE 1
“UNWANTED”
HOST: KARA DAVID
APRIL 10, 2021
Simula ngayong Sabado, April 10, papasukin ng I-Witness ang iba’t ibang kalakaran at istoryang umiikot sa mundo ng internet—lalo na sa panahong nasa bahay ang karamihan dahil sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine sa ilang lugar.
Sa panahon kung kailan halos lahat makikita na sa internet, natuklasan ni Kara David na pati ang pagpapa-abort, online na rin.
Kung dati patago kung dumiskarte ang mga kagaya ni “Yanz” na nagbebenta ng abortion pills, ngayon “PM-PM” na lang o sa pamamagitan ng private messaging sa social media. Naipadadala na rin daw ito sa pamamagitan ng courier. Kada araw, umaabot daw sa isandaang pakete ng abortion pills ang ino-order kay “Yanz.” At kung may maituturing daw siya na pinakaunang customer, ito'y walang iba kundi ang kanyang sarili nang magdalang tao siya noon.
Sina “Ashley” at Joan, parehong nabuntis nang hindi inaasahan. Si “Ashley,” nag-aaral pa lang at hindi pa raw handa na maging isang ina. Sa kaso naman ni Joan, kahirapan ang nagtulak para maisipan niyang ipa-abort ang dinadalang sanggol. Sa huli, isa sa kanila ang tumuloy sa pagpapa-abort habang ang isa, piniling buhayin ang bata.
Sa unang episode ng I-Witness E-Series, samahan si Kara David na silipin ang kalakaran sa mundo ng abortion online sa dokumentaryong “Unwanted” ngayong Sabado, April 10, 10:15pm sa GMA.#
ENGLISH VERSION
Beginning this Saturday, April 10, I-Witness looks into underground online activities and stories that transpire especially during these times when Enhanced Community Quarantine is being implemented in certain areas.
On this day and age when almost everything seems one click away, Kara David discovers that abortion has also reached the online platform.
“Yanz,” a seller of abortion pills, used to do discreet business transactions until it gets as easy as exchanging private messages. Surprisingly, these can also be sent via courier services. According to “Yanz,” she sends out about a hundred parcels on a daily basis and she considers herself her first client—as she reveals performing abortion to herself when she got pregnant.
“Ashley” and Joan both had unplanned pregnancies. “Ashley” is still in school and not yet ready to become a mother while for Joan, it was poverty that made her consider having an abortion. In the end, one of them decided to proceed with the plan.
To kick off I-Witness E-Series, join Kara David as she enters the world of abortion online. Watch her documentary “Unwanted” this Saturday, April 10, 10:15pm on GMA.#