'Bahay Muna', dokumentaryo ni Atom Araullo, ngayong Sabado sa 'I-Witness'
I-WITNESS
“BAHAY MUNA”
HOST: ATOM ARAULLO
AIRING: MARCH 27, 2021
Binago ng Covid-19 ang takbo ng buhay ng bawat Pilipino. Panahon ito kung saan ang pananatili sa bahay ang magiging pinakamalaking ambag sa lipunan upang hindi na kumalat pa ang virus. Kaya naman lahat ng klase ng komunikasyon ay idinaraan sa pamamagitan ng teknolohiya.
Ganito rin sa negosyo. Paano nga naman didiskarte kung may mga nagsisimula pa lang bumangon, ngayo’y limitado na uli ang ilang operasyon. Kaya ang solusyon ng marami—tuloy ang online selling.
Tulad na lamang ni Mardy. Iniwan niya ang pagiging guro upang mas mapagtuunan ng pansin ang kanyang online business. Nagbebenta siya ng gowns na inangkat mula sa Thailand, Vietnam, at Cambodia. Ilan sa mga kaibigan niya ang ginagawa niyang modelo ng mga ito.
Para naman sa isang photographer na si Carlo, trabaho niyang makita at makunan ang kanyang mga kliyente nang personal. Ngunit dahil sa umiiral na travel ban, isa sa mga apektado ay ang pagkikita ng dalawang magkasintahan. Magkakaroon sana sila ng prenuptial shoot ngunit hindi makauwi ng Pilipinas ang lalaki. Kaya naman para matuloy ang plano, naisip ni Carlo na i-shoot ito online.
Kukumustahin din ang mga naitampok sa mga nakaraang episode na “Kunek. Nood. Bili.,” dokumentaryo tungkol sa online selling bago ang pandemya at “Japan Beri Goods,” storya ng tagumpay ng mga Pilipino sa pagbebenta ng Japan surplus items at kung paano ito nagbago ngayon.
Ang “Bahay Muna,” dokumentaryo ni Atom Araullo, ay kwento ng kung paano nagtagumpay, nakibagay at bumangon ang mga Pilipino sa gitna ng krisis. Ngayong Sabado sa I-Witness, March 27, 10:15pm sa GMA.
ENGLISH VERSION
Covid-19 changed the landscape of normalcy. This is the time when staying at home is the best prevention from getting the virus. Thus, all forms of communication are coursed through technology.
We have seen the resiliency of Filipinos during the pandemic. So, it is no surprise that we have gradually adapted to the changes in the lifestyle that each Filipino is accustomed to.
One factor is the economy. At present, online selling is the key. Armed with just a cellphone and internet connection, a person can either buy or sell any product and post it on social media.
But because online business is booming, everything is being sold, in every possible strategy just to outsmart the competition.
Take the case of Mardy. She was a former teacher who left her profession last year to focus on her online business. She now sells gowns imported from Thailand, Vietnam, and Cambodia. Some of her friends help her by acting as her models.
For a photographer like Carlo, his profession necessitates him to capture his subjects up close and personal. But with the ongoing travel ban, one of those affected is the union of couples. Carlo was commissioned to do a prenuptial shoot. But it got cancelled since the fiancé cannot travel to the Philippines. So, in order to push through with the plan, he thought of shooting it online.
Atom also revisits two persons from his past episodes entitled, “Kunek, Nood, Bili,” a documentary about online selling before the pandemic, and “Japan Beri Goods,” a success story of Filipinos buying and selling Japan products.
“Bahay Muna,” is a documentary of Atom Araullo, on how Filipinos have overcome, adapted, and thrived in this time of crisis. I-Witness airs this Saturday, March 27, 10:15pm on GMA.#