Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Nuwebe, Trese, Katorse', dokumentaryo ni Kara David, ngayong Sabado sa 'I-Witness'


I-WITNESS
NUWEBE, TRESE, KATORSE
Dokumentaryo ni Kara David

 

 

Saan nga ba umiikot ang mundo ng nuwebe anyos na mga batang babae? Kadalasan, pag-aaral at paglalaro lang ang laman ng kanilang isipan, tila wala pang muwang sa mundong ginagalawan. Pero si Aimee, hindi niya tunay na pangalan, nagbuntis sa edad na siyam.

Ang dalawang taong sanggol na aakalaing kapatid ng ngayo'y onse anyos na si Aimee, sarili na pala niyang anak. Ngayon, ang bata, maagang natali sa mga responsibilidad ng pagiging ina.

Ayon sa tala ng University of the Philippines Population Institute – mahigit pitong daang libong unplanned pregnancies ang inaasahan sa taong 2021 dahil daw sa isinagawang lockdown noong pandemya. Pero sa isang komunidad sa Parañaque, tila pangkaraniwan na ang maagang pagbubuntis gaya sa kaso ng mag-bestfriend na Joy at Maricar, hindi nila tunay na pangalan. Trese anyos lang si Joy nang unang mabuntis at ngayon – sa edad na disi-sais – buntis na siya sa kanyang ikalawang anak. Samantalang katorse anyos naman ang ngayo'y pitong buwan nang buntis na si Maricar.

Ang madalas na bukambibig ng matatanda, sayang daw ang mga babaeng nabubuntis nang maaga. Pero ganito man ang narinig noon ni Kylie, hindi niya tunay na pangalan, nang mabuntis siya sa edad na katorse --- nagpursige siyang makatapos ng high school at nakatuntong pa ng kolehiyo.

Alamin ang iba't ibang kuwento ng mga batang ina sa dokumentaryo ni Kara David na “Nuwebe, Trese, Katorse” ngayong Sabado, February 27, 10:15pm sa GMA 7.#

ENGLISH VERSION

In a far-flung community in Batangas, Kara David meets “Aimee” who got pregnant at the age of nine. For two years now, she takes on the responsibilities of being a mother to a child usually mistaken as her younger brother.

According to the University of the Philippines Population Insitute – more than seven hundred thousand unplanned pregnancies are expected this year mainly because of the lockdown implemented over the course of the pandemic. But in a community in Parañaque, teenage pregnancy seems to be a norm like in the case of best friends “Joy” and “Maricar.” Joy was only thirteen when she first got pregnant. Now at the age of sixteen, she is already expecting her second child. Maricar, on the other hand, is now on the seventh month of her pregnancy.

Despite the stigma on teenage pregnancy, “Kylie” who got pregnant at age fourteen, was able to make it to college.

Teenage mothers share their struggles and stories on Kara David's documentary “Nuwebe, Trese, Katorse” this Saturday on I Witness, February 27, 10:15pm on GMA 7.#