'Tao Muna sa Tawiran', dokumentaryo ni Howie Severino, ngayong Sabado sa I-Witness
I-WITNESS HOWIE SEVERINO
“TAO MUNA SA TAWIRAN”
FEBRUARY 22, 2020
It seemed like an ordinary evening after dismissal for seven high school students in Makati. Assisted by a traffic enforcer who stopped vehicles coming from opposite directions, the teens felt safe in the pedestrian crossing as they engaged each other in animated conversations.
What happened in an instant changed their lives forever, and ended the life of their 13-year-old schoolmate. It was just the latest in a series of recent horrific tragedies where motorists ignored the meaning of a pedestrian crossing.
Howie Severino and his documentary team dissect the anatomy of the Makati crash as a way of understanding how reckless driving has become a leading cause of death for Filipino youths, many of them just innocently crossing a street where they’re supposed to be protected.
They learn that compounding the deficient infrastructure and dog-eat-dog mentality on city streets is a common ignorance among drivers of the meaning of many signs that say “Ped Xing.”##
Tao Muna sa Tawiran
Para sa isang grupo ng high school students sa Makati, isa dapat ordinaryong gabi ang gabi ng Feb. 12, 2020. Pauwi sila mula eskuwelahan at masayang tumatawid ng pedestrian lane habang nagkukuwentuhan. Sa mga oras na iyon, may gumagabay pa sa kanilang traffic enforcer.
Ngunit sa isang iglap, nagbago ang buhay nila. Rumagasa ang isang jeep sa grupo ng estudyante at namatay ang isa sa kanila, si Jules Villapando, 13 taong gulang. Isa ito sa tila dumaraming kaso ng mga trahedya sa kalsada dahil sa simpleng pagbalewala ng mga motorista sa tamang tawiran o pedestrian crossing.
Inusisa ni Howie Severino at ng kaniyang documentary team ang pangyayari sa Makati upang maintindihan kung bakit ang pagkasagasa ang nangungunang dahilan ng pagkamatay ng mga batang Pilipino.
Nalaman ng team na bukod sa imprastraktura na madalas ay hindi pedestrian-friendly at sa ugali ng mga motorista na laging gustong mauna, nalaman nilang marami ang hindi pa rin alam ang ibig sabihin ng “Ped Xing.” ##