Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Patay sa Tagay", dokumentaryo ni Kara David, ngayong Sabado sa I-Witness


 

I-WITNESS KARA DAVID
“PATAY SA TAGAY”
Feb. 1, 2020

Sa nangyaring lambanog poisoning noong nakaraang Disyembre, hindi lang ilan sa mga biktima ang namatay – kundi posibleng pati na rin ang industriyang ikinabubuhay ng marami sa taga-Laguna at Quezon.

Sa bayan ng Rizal sa Laguna, 117 ang na-ospital dahil sa lambanog poisoning, kabilang na si Rommel Vitangcol. Labingwalong araw siyang na-confine at kinailangan pang i-dialysis kaya ang gastos niya sa pagpapagamot, umabot ng mahigit isandaang libong Piso. Pero nakaligtas man si Rommel, namatay naman ang dalawa pa niyang kapatid na sina Ricky at Rene.

Dahil sa insidente, mula noong Disyembre, tumumal na ang benta ng lambanog sa Quezon at Laguna. Maski ang Mallari Distillery na siyang pinaka matagal nang gumagawa ng lambanog sa Pilipinas, apektado rin. Kung dati, umaabot ng sampung libong Piso ang benta nila kada araw, ngayon suwerte na raw kung kumita ng dalawang libong Piso. Sa kasalukuyan, nasa isang libong galon ng lambanog ang nakaimbak sa kanila at hindi maibenta-benta.

Para sa ilan – hindi lang kabuhayan kundi tradisyon na ring maituturing ang paglalambanog. Taong 2010 nang unang makilala ni Kara David si Mang Ambo, nang gawin niya ang dokumentaryong “Lolo Lambanog.” Sa muli nilang pagkikita makalipas ang sampung taon, ang paglalambanog, ipinasa na ni Mang Ambo sa anak niyang si Joel. Pero ngayong lason ang tingin ng marami sa produktong ito, paano maipagpapatuloy ni Joel ang kabuhayang minana pa niya sa kanyang ama?

Panuorin ang dokumentaryo ni Kara David na “Patay sa Tagay” ngayong Sabado, February 1, sa GMA 7.

 

English Version:

The lambanog poisoning that occurred last December not only claimed the lives of some of its victims, but may also cause the demise of the livelihood with which many residents in Laguna and Quezon depend on.

In the town of Rizal in Laguna, 117 were sent to the hospital due to lambanog poisoning. Rommel Vitangcol was hospitalized for eighteen days and had to undergo dialysis. His hospitalization bills amounted to more than one hundred thousand Pesos, and although he survived, Rommel had to bear the loss of his two brothers Ricky and Rene.

Because of the incident, since December, lambanog makers can hardly make a sale. Even Mallari Distillery which is the oldest lambanog manufacturer in the country, can only sell two thousand Pesos worth of products everday, a far cry from the ten thousand Pesos they used to make on a daily basis. Now, they have about a thousand gallons of lambanog in storage, which still they can't sell.

For some – being a lambanog maker is not just a livelihood but a tradition. Kara David first met Mang Ambo in 2010 for her documentary “Lolo Lambanog.” As they once again cross paths after ten years, Mang Ambo had already passed on the knowledge of lambanog making to his son, Joel. But now that lambanog seems to be synonymous to poison, how can Joel carry on with this tradition which he inherited from his father?

Watch Kara David's documentary “Patay sa Tagay” this Saturday, February 1, on GMA 7.