Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

I-Witness’ 20th Anniversary presents: ‘Paaralan ni Juan,’ dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo, ngayong Sabado sa ‘I-Witness’


“PAARALAN NI JUAN”

20th Anniversary Special
Dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo
November 23, 2019

For 20 years, I-Witness have told many stories on education.  This Saturday, Sandra Aguinaldo travels across the country to look for the students who have touched the hearts of viewers. 
 
It was 2010 when Sandra met Maris in a mountainous community in Cebu.  Despite living in abject poverty, she was very precocious and determined to make something good for herself and her family.  Sometimes she went to school hungry and often walked to school barefoot. The wounds and callouses on her feet were proof of her daily trek to get an education.
 
After 9 years, the kid who did not even own a pair of slippers, is now a teacher.  What was her journey like in the last decade? Is she finally on the road to success?
 
It was in 2008 when I-Witness visited a school in a remote village in Lanao del Sur in Mindanao. Datu Ariman Guro Elementary School is one of the most inaccessible schools in the country, not only is it far, but the area is also dangerous.
 
Rido or clan wars were frequent then. Many students missed their classes in fear of being caught in the middle of a rido. Help from the government was also hard to come by.  A single classroom was divided into four to service different grade levels. The library carried only one kind of textbook. This affected the school greatly— ranking at the bottom in that year’s National Achievement Test.
 
On Sandra’s return 11 years later, what will she discover?  I-Witness revisits the community to look for Rahima, the smartest kid in school and Fahad, the boy who was always absent because of rido. What have become of them? Has the school received the badly needed help from government?
 
Several administrations have promised to improve the access to education in the country but how does the Philippines fare when it comes to the quality of education? Are young Filipinos getting the level of education they need to be competitive?
 
I-Witness’ special 20th anniversary episode airs this Saturday, after Studio 7 on GMA.  
 
Filipino version:


Sa nakalipas na dalawang dekada, maraming kuwento na tungkol sa edukasyon ang nakunan ng lente ng I-Witness. Ngayong Sabado, babalikan ni Sandra Aguinaldo ang ilan sa mga estudyante at paaralang tumatatak sa programa… mula Luzon, Visayas at Mindanao.
 
Taong 2010 noong nakilala ni Sandra si Maris sa isang komunidad sa kabundukan ng Cebu— isang batang pursigidong makapag-aral sa kabila ng matinding kahirapan. Minsan pumapasok sa eskuwela ng kumakalam ang tiyan, at madalas, walang tsinelas. Ang mga sugat at kalyo sa niya sa paa ay marka ng araw-araw na paglalakad sa mabatong daan. Makalipas ang siyam na taon, ang batang nakayapak, ngayon nagtuturo na. Ano ang naging landas niya sa nakalipas na halos isang dekada? Patungo na nga ba siya sa inaasam na ginhawa?
 
Sa Mindanao, isang paaralan sa isang liblib na lugar sa Lanao del Sur ang binisita ng I-Witness noong 2008.   Isa ang Datu Ariman Guro Elementary School sa pinakamahirap na marating na paaralan sa Pilipinas. Bukod sa napakalayo nito sa kabihasnan, nasa gitna pa ito noon ng rido o away ng mga pamilya.  Marami sa mga estudyante natatakot pumasok tuwing sisiklab ang bayolenteng awayan.  Mahirap ding makarating ang suporta mula sa gobyerno kaya apektado ang paaralan. Ang isang silid paaralan hinati sa apat na magkakaibang baitang at iisang uri lamang ng textbook ang laman ng kanilang library. Hindi na katakataka na ang eskuwelahan ang may pinakamababang ranking sa National Achivement Test noong panahong iyon.  Sa pagbabalik ni Sandra at ng I-Witness team, ano kaya ang daratnan nila? Kasama ang 20 sundalo ng Philippine Army, susubukan nilang hanapin si Rahima, ang noo’y pinakamatalinong bata ng Datu Ariman Guro Elementary School at si Fahad, ang batang panay ang absent dahil sa rido. Ano kaya ang naging kapalaran nila? Dumating na kaya ang tulong na hinihintay ng mga guro at estudyante ng paaralan?   
 
Ilang administrasyon na rin ang dumaan at ang bawat isa, nangangako na lalong pag iigtingin ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Ano na nga ba ang estado ng edukasyon sa Pilipinas? Naibibigay ba ng pamahalaan ang antas ng edukasyon na kailangan ng mga batang Pilipino ngayon? Sama-sama nating alamin sa special anniversary episode ng I-Witness, ngayong Sabado, pagkatapos ng Studio 7 sa GMA.