I-Witness 20th Anniversary presents: ’Dito sa Lungsod,’ dokumentaryo ni Atom Araullo, ngayong Sabado sa ‘I-Witness’
“DITO SA LUNGSOD”
20th Anniversary Special
Dokumentaryo ni Atom Araullo
November 16, 2019
Years have gone by but housing problems still remain the same--- Filipinos flock to Metro Manila where they believe they will find the golden gate to success.
The result? Booming population, congested streets, heavy traffic and a never-ending ways of looking for solutions by the government.
Atom Araullo revisits some of the congested housing areas In Metro Manila. The likes of Aroma in Vitas and Parola, both in Tondo, have become the melting pot in the port area of Manila.
He met an elderly couple and one young hopeful who have yet to meet their expectations.
The couple resides in Parola. 70-year-old Lola Christina first came to Manila from Bicol more than 30 years ago to work as a waitress. Now, she is saddled with an ailing husband. She gets by collecting garbage in the streets--- a sad but usual tale of misconception about the big city and regret.
For Lalyn, a 19-year-old hopeful, she also believed that the fulfillment of her dreams can be found in Manila. The harsh reality soon came. She now resides in congested Aroma, Tondo together with her cousin, the only accommodation she can afford with her meager salary as a saleslady in Divisoria.
But not all ended up miserable. Nida Navelino, a former resident of Makati was featured by I-Witness back in 2006. Nida, with her former husband and 3 kids, lived under a bridge. With the murky waters and garbage below their space, Nida and her kids constantly suffered from asthma attacks.
Now, 13 years later, they are peacefully living in Calauan, Laguna. The National Housing Authority relocated the family in 2007.
This Saturday, join Atom Araullo in I-Witness as he revisits the past and learns about the painful truths concerning housing.
Filipino version:
Sa loob ng dalawang dekada, napag-usapan a t naipalabas sa I-Witness ang sitwasyon tungkol sa pabahay sa Pilipinas.
Pero sa nakalipas na mga taon, nananatili ang problema dahil patuloy ang pagdagsa ng mga Pinoy mula sa iba’t ibang probinsya para magtungo sa Metro Manila--- sa pagnanais na magtagumpay at makamit ang kaginhawahan.
Kaya ang resulta… paglobo ng populasyon, siksikang mga lansangan, mabigat na daloy ng trapiko, at ang walang katapusang paghanap ng solusyon ng mga ahensya ng gobyerno.
Binisita ni Atom Araullo ang ilan sa mga lugar sa Maynila kung saan nagsisiksikan ang mga taong naghahanap ng kasagutan sa kanilang kahirapan.
Nakilala nya sina Lola Christina at si Lalyn.
Nakatira ang sitenta’y anyos na si Lola Christina kasama ang kanyang may sakit na asawa sa Parola, Tondo. Nangangalakal siya bilang pantustsos sa gastusin nilang mag-asawa. Mahigit tatlumpung taon na siyang nasa Maynila.
Ang labing siyam na taong gulang na si Lalyn naman ay kakatapak lamang sa Tondo nitong buwan ng Hunyo. Sa ilang buwang pamamalagi niya rito nakakuha siya ng trabaho bilang saleslady sa Divisoria. Pero dahil sa mababang suweldo, nakikisiksik siya sa maliit na espasyo sa Aroma kasama ng kanyang pinsan.
Gusto nang bumalik ni Lola Christina sa Bicol at ni Lalyn sa Butuan.
Sa kaso ni Lola Christina, mahihirapan na raw siya dahil may sakit na ang kanyang asawa. Si Lalyn naman, nagbabakasakaling makakuha ng mainam-inam na trabaho para may maiuwing pera sa probinsya.
Pareho silang biktima ng maling akala na ang Maynila ang magpapaginhawa sa kanilang buhay.
Pero may iba namang gumanda ang sitwasyon. Mula sa miserableng pamumuhay sa ilalim ng tulay, nakatira na ngayon si Nida Navelino kasama ang kanyang pamilya sa Laguna. Nai-relocate sila ng National Haousing Authority isang taon matapos maipalabas sa I-Witness ang kanilang kuwento taong 2006.
Sa darating na Sabado, samahan si Atom Araullo na balikan ang nakaraan at suriin ang kasalukuyan upang malaman ang katotohanan sa kondisyon ng isa sa mga pangunahing pangangailangan ng sangkatauhan.