I-Witness 20th Anniversary presents: 'Sa Mata ng Bata,' dokumentaryo ni Kara David, ngayong Sabado sa 'I-Witness'
“SA MATA NG BATA”
Dokumentaryo ni Kara David
November 9, 2019
Since she started in 2002, Kara David has done numerous documentaries and closest to her heart are those that tackled issues on child labor. Kara told touching stories about children who chose to work at an early age, instead of going to school or playing.
Kara first met Jonel when she made the documentary “Gintong Putik” eight years ago. Back then, he made a living by diving in a mud pit in the hopes of getting bits of gold. In her documentary, “Pulo't Pukyutan” last 2014, Kara met brothers Charlie and Edrian who climbed trees to collect honey from beehives. While in her documentary “Sa Mata Ni Ekang” in 2007, Kara saw the world through the eyes of then three-year old Ekang, whose father was a robber, her mother a drug runner, and her grandmother a former sex worker turned pimp.
After many years passed, have they finally escaped the harsh world that took away their childhood? As I-Witness celebrates its 20th anniversary, Kara David sets out on a journey to Cavite, Batangas and Camarines Norte to once again meet Jonel, Charlie, Edrian and Ekang. I-Witness airs this Saturday, November 9 on GMA 7.
Filipino:
Mula pa noong 2002, mahigit isang daang dokumentaryo na ang nagawa ni Kara David at isa sa mga isyung pinaka malapit sa kanyang puso ang usapin ng child labor. Sa mga istoryang kanyang ginawa, nakilala niya ang ilang mga kabataan na imbis na mag-aral o maglaro, maagang nasadlak sa pagbabanat ng buto.
Taong 2011 nang unang makilala ni Kara si Jonel nang gawin niya ang dokumentaryong “Gintong Putik.” Trabaho niya noon ang pagkakabod o ang paglusong at pagsisid sa putikan para lang makakuha ng mga butil ng ginto. Sa dokumentaryo naman niyang “Pulo't Pukyutan” noong 2014 nakilala ni Kara ang magkapatid na Charlie at Edrian sa probinsya ng Abra, na ikinabubuhay ang pangunguha ng pulot. At taong 2007 naman nang gawin ni Kara ang dokumentaryong “Sa Mata Ni Ekang”, kung saan nakilala niya ang noo'y tatlong taong gulang pa lang na musmos. Holdaper ang ama, runner ng droga ang ina at bugaw ang kanyang lola.
Makalipas ang maraming taon, natakasan na kaya nila ang mundong bumihag sa kanilang kabataan? Para sa ika-dalawampung taong anibersaryo ng I Witness, samahan si Kara David na maglakbay sa Cavite, Batangas at Camarines Norte para balikang muli ang kani-kanilang mga kuwento. Panuorin ang kanyang dokumentaryo ngayong Sabado, November 9, sa GMA 7.