‘Filaria,’ dokumentaryo ni Kara David, ngayong Sabado sa ‘I-Witness’
FILARIA
Dokumentaryo ni Kara David
October 5, 2019
Filariasis, also known as Elephantiasis, has long been eradicated in most countries. But in the Philippines, this disease still exists.
In the town of Libacao, Aklan, 33 new cases of Filariasis were identified last year. Most of them didn’t show symptoms, just like the case of 20-year-old Camille.
Abnormal enlargement of the extremities is the most common manifestation of Filariasis. 94-year-old Plorentina suffers from an enlarged leg. In the case of Pablito, his scrotum is now the size of a coconut.
Many Libacao residents affected by Filariasis believe that “pasma” is the cause of this disease. “Pasma” is a folk illness characterized by trembling hands and sweaty palms occurring after strenuous labor. But why is it that many of those infected with Filiariasis are abaca farmers? Is the disease connected to their chosen livelihood?
Catch Kara David's documentary, “Filaria”, this Saturday, October 5, on GMA.
Filipino version:
Burado na sa maraming bansa ang sakit na Filariasis o kilala rin sa tawag na Elephantiasis. Pero bakit sa anim na probinsya sa Pilipinas, may naitatalang kaso pa rin ng sakit na ito?
Sa probinsya ng Aklan, partikular na sa bayan ng Libacao, tatlumpu't tatlong bagong kaso ng Filariasis ang naitala noong isang taon lang. Karamihan nga sa kanila, hindi nakikitaan ng sintomas gaya ng beinte anyos na si Camille. Pero ang matatagal nang may Filariasis, nagkakaroon ng abnormal na paglaki ng ilang parte ng kanilang katawan. Gaya sa kaso ng nobenta'y kuwatro anyos na si lola Plorentina na malaki ang isang binti. Si mang Pablito naman, matagal nang pinapasan ang kalbaryo ng pagkakaroon ng “enlarged scrotum” na sinlaki na ngayon ng niyog.
Paniniwala ng mga may Filariasis sa Libacao, dahil lang daw sa pasma kung bakit sila nagkaroon ng sakit na ito. Pero bakit nga ba karamihan sa kanila, mga magsasaka ng abaca? May kinalaman kaya ang sakit na Filariasis sa napili nilang kabuhayan?
Panuorin ang dokumentaryo ni Kara David na “Filaria” ngayong Sabado, October 5, sa GMA.