Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Biyaheng EDSA,' dokumentaryo ni Ivan Mayrina, ngayong Sabado sa 'I-Witness'


“BIYAHENG EDSA”

Dokumentaryo ni Ivan Mayrina
September 7, 2019

Ordinary citizens carry the cost of the worsening traffic in Metro Manila.

With the strict implementation of the yellow lane policy in EDSA, bus drivers like Oscar claim that they earn less compared to what they used to make. Oscar used to make three round trips from San Jose Del Monte, Bulacan to Pasay. But now, Oscar considers himself lucky if he is able to make two round trips in a day. Ivan Mayrina hops on his bus and finds out how long it would take them to reach Pasay from Commonwealth Avenue. Travel from East Avenue to EDSA alone already took them two hours!

Traffic enforcers like Jefprex sometimes bear the wrath of commuters on a bad traffic day. He endures harsh words and the dangers that come with his line of work --- despite having epilepsy.

Catch Ivan Mayrina's documentary, “Biyaheng EDSA” this Saturday, September 7, on GMA 7.

Filipino version:

Isinusumpa ng marami ang palala nang palala na sitwasyon ng trapiko sa Metro Manila. Pero hindi lang pala abala at perwisyo ang dulot nito para sa ilan. Sa gitna ng humihinang kabuhayan, paano nga ba matustusan ng isang bus driver ang pagpapagamot ng anak na may cancer? Hanggang kailan din kaya titiisin ng isang traffic aide na may epilepsy ang peligro sa kalsada?

Sa pagpapatupad ng yellow lane policy sa EDSA, nabawasan daw ang kita ng bus driver na si Oscar. Kung dati nakaka-tatlong biyahe siya mula San Jose Del Monte, Bulacan hanggang Pasay --- ngayon masuwerte na raw kung makadalawa. Sakay si Ivan Mayrina, gaano katagal kaya nila bubunuin ang trapik mula Commonwealth Avenue hanggang Pasay? Kung sa East Avenue pa lang palabas ng EDSA, inabot na sila ng halos dalawang oras!

Pero handa raw makipag sagupaan sa kalsada si Oscar, madugtungan lang ang buhay ng anak niyang si Loida. Nitong taon lang kasi nang ma-diagnose ito na may cancer at kinakailangan sumailalim sa chemotherapy. Si Oscar din ang tumutustos sa pangangailangan ng kanyang limang anak at tatlong apo.

Sa pagbigat ng daloy ng trapiko, ang madalas na masisi – ang mismong mga traffic constable gaya ni Jefprex. Pero madalas man makatikim ng masasakit na salita mula sa mga motorista, titiisin daw niya ang peligro sa kalsada --- maski pa mayroon siyang epilepsy.

Panuorin ang dokumentaryo ni Ivan Mayrina na “Biyaheng EDSA” ngayong Sabado, September 7, sa GMA.