‘Pinoy K-Pop,’ dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo, ngayong Sabado sa ‘I-Witness’
“PINOY K-POP”
Dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo
August 17, 2019
They move, sound and look like K-pop idols. For most of them, they started out as fans but the need for artistic expression has bred a new generation of Filipino supporters that are starting to penetrate the K-pop universe.
It is their love for K-pop and dancing that has initially drawn these girls to each other. Inside a gym in Manila, the 15-member cover group Mix’In is seen rehearsing from morning to late at night, several days a week. Despite having different careers and school obligations, they push themselves hard to master their dance routines. All the hard work eventually paid off as they emerged as the back-to-back Pinoy K-pop grand champion in 2018 & 2019. This is an annual competition sponsored by the Korean Cultural Center in the Philippines. They hope this brings them one step closer to dancing on the big stage alongside their idols in Seoul.
Another all-girl group, Tem5 was created in 2015 when a Korean entertainment company auditioned Filipino artists and brought them to Korea to train for a year. In Korea, K-pop training camps are notoriously rigid and some trainees start very young. They say training for two years is average, but some can last up to 10 years. In a way, the girls of Tem5 can be considered lucky to have the chance to launch a career in Korea with just a year’s training in singing and dancing. They have product endorsements and have had the chance to perform all over Korea and in other countries abroad. But performing is not their only obligation. K-pop artists’ contracts have clauses that restrict personal relationships and guidelines on physical appearance, among others. They also have to battle homesickness every now and then.
Fortunately for SB19, an all-male band, their fandom is closer to home. They get to sing Filipino songs for the Filipino audience, while taking inspiration in K-pop. They are also under the tutelage of a Korean trainer. The K-pop framework seems to be working for them, as a legion of teenage girls chant their names as they perform onstage.
This Saturday on I-Witness, Sandra Aguinaldo finds out what it takes to make it to the Pinoy K-pop world.
Filipino:
Ang galaw, tunog at postura nila parang K-pop idol na. Para sa karamihan sa kanila, nagsimula sila bilang mga fan. Kalaunan, ang mga tagahanga ay siya na ring hinahangaan ng ilan at nagsisimula nang pasukin ang mundo ng K-pop.
Dahil sa hilig sa K-pop at pagsayaw, nabuo ang grupo ng mga babaeng dancer na kung tawagin ay Mix’in. Labinlima sila sa grupo na madalas na nakikitang nag eensayo mula umaga hanggang gabi sa isang gym sa Maynila. Abala man sa trabaho o pag-aaral, pinagbubuti nila ang pagsasayaw tulad ng kanilang mga K-pop idol. Nagbunga naman ang kanilang sakripisyo dahil sila ang itinanghal na grand champion ng Pinoy K-pop ng 2018 at 2019. Isa itong contest ng Korean Cultural Center sa Pilipinas. Naniniwala sila na sa pagkakapanalo, nalalapit sila sa inaasam na pagkakataong makasayaw sa entablado sa Seoul kasama ang mga iniidolo.
Ang isa pang grupo ng mga Pilipina, ang Tem 5, ay nabuo noong 2015 nang may nagpa audition na Korean entertainment company sa Pilipinas. Dinala ang mga napiling miyembro ng Tem5 sa Korea at doon sumailalim sa training ng isang taon. Sa Korea, matindi ang pinagdaraanan ng mga trainee. Marami ang nagsisimula pa mula sa pagkabata at umaabot hanggang 10 taon ang pag-eensayo. Masuwerte nang maituturing ang Tem5 dahil nailunsad ang kanilang career sa loob lamang ng isang taon ng pag-aaral sa pagkanta at pagsayaw. Ngayon, may mga ineendorso na silang mga produkto at nakakapag perform sa buong Korea at maging sa ibang bansa. Pero maliban sa pag perform, may mga bagay pa sa kanilang kontrata na kailangan nilang tuparin—bawal ang pakikipag relasyon at pangalagaan ang timbang at itsura nila. Mahirap din daw ang malayo sa pamilya.
Mabuti na lang ang SB 19, isang grupo ng mga lalaking artist, nasa Pilipinas ang mga tagahanga. Kumakanta at nagsasayaw sila ng mga kantang Pinoy, para sa Pinoy habang kumukuha ng inspirasyon sa K-pop. Galing din ng Korea ang kanilang trainer. Ang paghango nila ng inspirasyon sa mga idolo sa Korea, nagbigay sa kanila ng mga tagahangang sabik na sabik silang panoorin sa entablado.
Ngayong Sábado sa I-Witness, papasukin ni Sandra Aguinaldo ang mundo ng Pinoy K-pop, sa GMA.