Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

‘Arnisadora,’ dokumentaryo ni Howie Severino, ngayong Sabado sa ‘I-Witness’


“ARNISADORA”

Dokumentaryo ni Howie Severino
July 27, 2019

Like many chubby girls, Kamya was bullied as a child. She was kicked out of kindergarten when she punched one of her bullies, who happened to be the daughter of the school owner.

An embittered Kamya was on her way to being a bully herself when a teacher suggested she try out for the school’s arnis team. She found her calling in the national sport.

Now a consistent medalist, Kamya is a disciplined athlete and a leader on her team.

Howie Severino and his documentary team travel to Cebu to meet Kamya and other teens who have taken up arnis or eskrima, one of the Philippines’ oldest living traditions and now practiced by martial artists in dozens of countries.

In the arnis hotbed of Cebu, the documentarians hang out in the busy gym of the celebrated Cañete clan of arnisadors. It’s the hub of martial artists of all ages.

There even petite girls learn how to tightly control their aggression while training to use any available object to gouge out an attacker’s eyes.

Filipino version:

Tulad ng maraming batang mataba, hindi nakatakas sa panunukso si Kamya.  Kinder palang, pinaalis na siya sa school nang suntukin niya ang anak ng principal na nanunukso sa kaniya.

Dahil sa sama ng loob, muntik na ring maging bully si Kamya, ngunit isang pagkakataon ang pumigil sa kaniya.  Nakita ng isang guro ang potensyal ni Kamya sa arnis, kaya sinubukan niya maging miyembro ng koponan ng kanilang paaralan.  Kalaunan nabago ng arnis, ang pambansang laro ng Pilipinas, ang buhay ni Kamya.

Ngayon, isa na siyang kampeon, disiplinadong atleta at lider ng kaniyang team.

Pumunta sa Cebu si Howie Severino at ang kaniyang documentary team para makilala ang bagong henerasyong nagtataguyod sa isa sa mga sinaunang tradisyon ng Pilipinas sa larangan ng sports.  Malayo na rin ang naabot ng arnis dahil tinuturo ito sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Sa Cacoy Cañete Doce Pares gym sa Cebu, nagtitipon ang iba’t ibang mga arnisador… bata, matanda, lalaki man o babae, at maging mga arnisador mula sa ibang bansa.  Halos walumpung taon nang ipinapasa ng mga Cañete ang kanilang kaalaman sa arnis.

Dito natututo ang mga kababaihan na ipagtanggol ang kanilang sarili.  Kaya ang mga inaakalang mayuming dalaga, kaya palang maging mabagsik na atleta.