‘Lupang Hiram,’ dokumentaryo ni Atom Araullo, ngayong Sabado sa ‘I-Witness'
“LUPANG HIRAM”
Dokumentaryo ni Atom Araullo
July 13, 2019
Millions of people in NCR benefit from the Angat Dam located In Norzagaray, Bulacan.
With more than 60 thousand hectares, this massive land area is home to the Dumagats.
Since its construction in 1964, a synergy has developed between the tribe members and the Angat watershed management. Peaceful co-existence has been upheld to survive the altered landscape.
The Dumagats’ livelihood include fishing, harvesting bamboos, certain species of trees, and vegetable produce. Since their ancestral domain is considered a protected area, they have to secure permits first to harvest and sell. To help the Dumagats, the watershed management opted to bring in dealers to help them sell their products.
Twenty-nine-year old Steven or fondly called Niger by his friends was born into this and easily adapted to the system. But for the elders, they long for the life of freedom they are used to.
Join Atom Araullo in presenting the conflicting lives of the Dumagats inside Angat dam.
Filipino version
Milyun-milyong tao sa NCR ang nakadepende sa tubig na nanggagaling sa Angat Dam, Norzagaray, Bulacan.
Sa mahigit 60 libong ektaryang lupain nito naninirahan ang mga katutubong Dumagat.
Mula nang itinayo ang Dam noong 1964, nagkaroon ng kasunduan ang mga katutubo at ang Angat Watershed Management. At ang kasunduang ito ang naging batayan ng magkabilang grupo upang mapakinabangan at mapangalagaan ang lupain.
Umiikot sa pangingisda at pangunguha ng iba’t ibang produkto mula sa gubat ang buhay ng mga Dumagat. Ang lupain ninunong ito ng mga katutubo ay kabilang sa mga “protected areas” sa ating bansa. At dahil dito, kinakailangan nilang kumuha ng permit upang maani at maibenta ang kanilang mga produkto. Upang tulungan ang mga Dumagat, ang Watershed Management ay nagdala ng mga dealer sa loob upang maibenta nila ang kanilang mga produkto.
Para kay Steven, o mas kilala bilang Niger sa mga Dumagat, ito na ang kinamulatang sistema ng 29-anyos na mangingisda. Pero sa ibang mga nakatatanda, hinahanap hanap nila ang kalayaang kanilang kinagisnan.
Samahan si Atom Araullo na pakinggan ang mga daing ng mga Dumagat sa loob ng Angat Dam.