Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Bawat Patak ng Ulan,' dokumentaryo ni Raffy Tima, ngayong Sabado sa 'I-Witness'


“BAWAT PATAK NG ULAN”

Dokumentaryo ni Raffy Tima
June 29, 2019

The Municipality of Sitangkai in Tawi-tawi is dubbed as the Venice of the South. There are no automobiles here, only small boats to ferry residents through the town’s canals and nearby islands.  Foot bridges connect the neighborhood to the bustling población where one can buy almost everything --- from fresh produce to merchandise from nearby Malaysia.  Sitangkai is a first class municipality where people enjoy the abundance of the sea.  But this waterworld community is also waterless.  Residents pay a steep price for fresh water supply sourced from adjacent islands or from the main island of Bongao which can be reached five hours by boat.  Alas, for those who could not afford to pay for fresh water, they pray for rain to come.

Merisa Udjid, like many residents in Sitangkai, rely on rain to provide for the needs of her eight children. Her earnings from seaweed farming is not enough to buy expensive water.  Thus, the rainy season is a much awaited blessing.

This Saturday, join Raffy Tima as he travels to the southernmost tip of the country to learn the struggles of living in an urban waterworld without water. I-Witness airs at 11:15 pm.

Filipino version:

Dahil nakatungtong ang bayan ng Sitangkai, Tawi-tawi sa karagatan, nanggagaling ang hanapbuhay ng halos lahat ng residente dito mula sa iba't ibang mga yamang dagat. Ngunit sa kabila nito, nananatiling uhaw at salat sa tubig ang mga taga rito.

Isa lang si Merisa Udjid, 32 taong gulang, sa mga nahihirapan sa kawalan ng tubig na pang-inom at pangluto ng pagkain ng kanyang walong anak. Dahil daw mahina ang kita sa kanilang hanapbuhay na pag-aagal-agal o seaweed farming, hindi nila kayang bumili ng mineral water o tubig mula sa kabilang isla araw-araw. Pag-iipon ng tubig-ulan ang solusyon nila sa matagal nang problema ng isla.

Nanggagaling ang mga drum ng tubig na binebenta sa Sitangkai mula sa karatig isla nito na Sibutu. May sariling bukal ang isla kung saan malapit na nakatira si Tatay Edlam Idris; apat na taon na niyang hanapbuhay ang pagtitinda ng tubig sa Sitangkai. Ito na raw ang bumuhay at nagpa aral sa kanyang mga anak.   

Alamin ang buhay ng mga taong itinuturing na biyaya ang bawat patak ng ulan. Ang dokumentaryo ni Raffy Tima, “BAWAT PATAK NG ULAN” ay mapapanood ngayong Sabado sa I-Witness, 11:15 ng gabi.