Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Unang Araw,' dokumentaryo ni Pia Arcangel, ngayong Sabado sa 'I-Witness'


“UNANG ARAW”

Dokumentaryo ni Pia Arcangel
June 15, 2019

The first day of school is usually an exciting time for most students. But for the Matigsalug tribe of Davao City, it presents new challenges. Forced away from the river, members of the tribe have settled farther up in the mountains and farther away from a school.

On the first day of school, around 40 Matigsalug students meet up at the great Davao river and wait for the current to weaken. They have to cross the raging waters using only tire interiors. Some students did not even attempt to go to class that day as the rains the previous night have made them too scared to risk going into the river. Matigsalug derives from the words “matig” meaning “from” and “salug” meaning river, but it is this same river that the children have to conquer first to get to school.

John Vincent or JV, is only 6 years old but every day he has to cross 4 mountains and a river to get an education— a journey that takes 5 hours to complete.  The journey becomes too unbearable for JV at some point, and the child wails, tears flowing from his face as he forces one tiny foot in front of the other. He is accompanied by his mother Gemma Baybayan, who piggyback rides him when he gets too tired to walk.  She endures this suffering because she dreams of a life for her son beyond the four corners of the field they are tilling. 

Life is hard for the Matigsalug.  And despite the daily challenges of walking to school for hours, they persevere. But what happens when the students arrive in class after an exhausting trek? How many students will carry on towards the fulfillment of their tribe’s dream of a better life?

This Saturday on I-Witness, Pia Arcangel joins them in their journey on their first day in school. 

Filipino version:

Marahil para sa maraming estudyante, masayang okasyon ang unang araw ng pasok,  Pero para sa katutubong Matigsalug ng Davao City, isa itong malaking hamon. Mahirap kasing marating ang kanilang paaralan. 

Sa unang araw ng pasok, may 40 mag-aaral mula sa tribo ang nagtagpo sa Davao River.  Kailangan nilang hintaying humupa ang malakas na agos dahil salbabida lang ang gamit nila para tawirin ito. Marami sa mag-aaral na Matigsalug ang hindi na sumubok na pumasok sa araw na iyon. Malakas kasi ang ulan noong nakaraang gabi. Ang Matigsalug ay galing sa salitang “matig” na ang ibig sabihin ay nagmula at “salug” na ang ibig sabihin ay ilog.  Pero ang mismong ilog kung saan nakadikit ang kanilang pangalan, ang unang kalbaryong kailangan nilang tawirin.  

Si John Vincent ay 6 na taong gulang pa lang pero kailangan niyang tumawid ng 4 na bundok at isang ilog para makapag-aral.  Ang biyaheng ito, inaabot ng hanggang 5 oras. Kasama niya ang kanyang ina na si Gemma Baybayan, na matiyagang pinapasan siya tuwing napapagod na at hindi na makalakad.  Tinitiis ng ina ang hirap na ito dahil nangangarap siya ng magandang buhay para sa anak sa labas ng apat na sulok ng lupang sinasakahan.

Mahirap ang pamumuhay ng mga Matigsalug.  Kaya sa kabila ng hirap ng paglalakad ng malayo para makapag-aral, nagtitiyaga sila. Pero paano ang mga mag-aaral pagdating sa klase matapos ang napakahabang paglalakad patungong paaralan?  Ilang estudyante kaya ang magpapatuloy ng pangarap ng magandang buhay para sa kanilang tribo?

Ngayong Sábado sa I-Witness, sasamahan ni Pia Arcangel ang mga batang mag-aaral sa kanilang paglalakbay sa unang araw ng pasukan. Abangan ito sa GMA, alas onse ng gabi.