Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Angono,' dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo, ngayong Sabado sa 'I-Witness'


“ANGONO”

Dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo

May 18, 2019

This tiny town in Rizal has produced two National Artists— Carlos “Botong” Francisco and Lucio San Pedro. To this day, she continues to give birth to artists of every medium.  What is it with Angono that it has become a cradle of artistic talent?

Sandra Aguinaldo goes on a nostalgic trip back to her beloved hometown to visit friends and family who are very much part of this living, breathing museum.  Carlos “Totong” Francisco II, Sandra’s childhood friend and playmate, welcomes her to his grandfather’s studio which used to be their playground. A painter as well, he tells of stories about the great muralist’s life, art and his valuable contribution to the country.

Across the street, another friend Jan Blanco, a member of the Blanco family of painters, shows a work in progress that immortalizes key members of the Angono community. Galleries are spread throughout the town.  Here, it’s pretty ordinary for kids as young as 4, to receive art classes from renowned artists like Orville Tiamson and Nemi Miranda.  In a quaint tattoo studio, a visual artist whirs his tattoo machine, opting to use skin instead of canvass. Coffee shops embrace poets —the sound of their sing song voices romancing the spoken word. And at nightfall, music from the famed Banda Uno, the legacy of the master composer Lucio San Pedro, fills the air.

But the romance of the people of Angono with art is not a new phenomenon. In fact, it goes back 5,000 years.  The Angono petroglyphs - a series of figural carvings on a cave wall is the oldest known artwork in the country.

This Saturday on I-Witness revisit Angono, the art capital of the Philippines and find out why this is a title that is well-deserved.

Filipino version:

Ang maliit na bayan na ito sa Rizal ay nagbigay ng dalawang National Artist—sina Carlos “Botong” Francisco at Lucio San Pedro.  Hanggang ngayon, marami pa ring artist ang nagsusulputan mula sa lugar na ito.  Ano ba ang meron sa Angono at naging isa itong duyan ng malikhaing pamamahayag?

Uuwi si Sandra Aguinaldo sa kanyang bayang kinalakihan para dalawin ang pamilya at mga kaibigan na parte ng isang buhay na museo kung saan ang sining ay hindi mahihiwalay sa kanilang pang araw araw na pamumuhay. Kasama ang dating kalarong si Carlos “Totong” Francisco II, babalikan niya ang studio ni Botong Francisco na nagsilbing palaruan nila noon. Ang apo ni maestro, isa na ring ganap na pintor ngayon. Ibabahagi niya ang mga kuwento ng buhay at sining ng kanyang lolo, at ang kontribusyon nito sa bansa.

Sa kabilang kalsada, isa pang kaibigan ang magbubukas ng pinto sa kanilang studio.  Si Jan Blanco na miyembro ng tanyag na pamilya ng mga pintor, magpapakita ng isang obra kung saan ipinipinta niya ang mukha ng mga taga-Angono. Nagkalat ang mga gallery sa bayan na ito. Dito, ordinaryo na lang na ang mga batang 4 na taong gulang nagsisimula nang mag aral ng pagguhit o pagpipinta mula sa mga tanyag na manlilikha tulad nina Orville Tiamson at Nemi Miranda. Sa pagtigil ng tunog ng tattoo machine, lilitaw ang isang obra sa balat ng isang mapalad na kliyente. Sa mga coffeeshop, maririnig ang boses ng mga manunula habang niroromansa ang mga salita. At pagsapit ng dilim, babalutin ang kapaligiran ng musika mula sa Banda Uno—ang pamana ng kompositor na si Lucio San Pedro.

Pero ang pagmamahal sa sining ng mga taga Angono ay hindi bago. Sa katunayan, ang Angono Petroglyphs na mga ukit sa isang kuweba doon ay 5,000 taon na ang tanda at itinuturing na pinakalumang likhang sining sa bansa.

Ngayong Sábado sa I-Witness, balikan natin ang Angono bilang art capital ng bansa at alamin kung bakit karapat-dapat siya sa titulong ito.