Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Pisukan,’ dokumentaryo ni Atom Araullo, ngayong Sabado sa ‘I-Witness’


“PISUKAN”

Dokumentaryo ni Atom Araullo

May 11, 2019

In a remote community in the province of Quezon, there has been a low-key fascination for honey. It is greatly visible in the markets of the town proper, locals being savvy with its common medicinal and classic functions.

But what they do not seem to know is how the native Agtas consume it in their own way. Honey made by a specific species that they call “Pisukan” can only be harvested once a year, during summer season. And for this tribe, fixing their eyes upon this event can only mean reverence to their culture.

This honey is believed to be intoxicating.  According to the tribe, its effect is much worse than lambanog. In fact, in the Agta culture, this serves as the liquor served during special occasions, courtships and celebrations.  But garnering Pisukan is extremely dangerous for the harvesters called “mamumuhag”.

What will Atom Araullo find out after drinking this “intoxicating” honey?  Join him on I-Witness this Saturday, May 11, after Kapuso Movie Night.

Tagalog version:

Sa isang malayong sitio sa probinsya ng Quezon, tila isang ordinaryong pagkain o panghimagas lamang ang pulot o honey. Makikita ang mga bote-boteng pulot sa mga palengke at tindahan sa kanilang bayan na ginagamit na pangluto, panghimagas at gamot para sa mga kabataan.   Pero ang hindi nila nalalaman, ay kung gaano ito pahalagahan ng mga Agta at kung ano nga ba ang silbi at epekto nito tuwing ito’y kanilang iniinom. Ang pulot mula sa isang uri ng bubuyog na tinatawag nilang “Pisukan” ay tuwing tag-init lamang nagkukuha. At para sa tribong ito, hindi nila maaaring palagpasin ang pagkakataong manguha o mamuhag ng pulot na kanilang pinakahihintay.

Ito raw kasi ay pinaniniwalang nakakalasing. At ayon sa kanila, ito ang nagsisilbing kanilang alak noong unang panahon na iniinom tuwing may mahalagang okasyon.

Ngunit gaano man “katamis” itong pakinggan, ang pangunguha nito ay hindi biro. Ito’y isang malaking pagsubok. Ano kaya ang natuklasan ni Atom Araullo sa kaniyang pagtikim sa sinasabi nilang pulot na nakakalasing?

Samahan si Atom Araullo at ang kanyang grupo na saksihan ang paglalakbay nina Abling at Lito—mga batikang mamumuhag—na hanapin ang nagtatagong pisukan sa masukal na kagubatan ng Sierra Madre.