Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Hinabing Pag-asa,' dokumentaryo ni Kara David, ngayong Sabado sa 'I-Witness'


“HINABING PAG-ASA”

Dokumentaryo ni Kara David

May 4, 2019

Almost two years after the siege in Marawi ended, the city remains in rubbles. For the Maranao people, the war did not just destroy their homes, it also threatened their tradition and culture.  Rebuilding their city will take years, but healing their wounds and fighting to preserve their culture might take longer.

Weaving is both a livelihood and tradition for the Maranao people. It is often passed on to the eldest daughter.  In Muslimah's case, she lost her first born during the war. Who then would continue the tradition of weaving in their family?

During the five months of the siege, a group of women who stayed at the evacuation center started weaving again. More than a source of income, weaving provided these women a refuge from the horrors of war.  And even after the war ended, they continued to weave with hope of seeing Marawi and their traditions rise from the ruins.

Get to know the brave women weavers of Marawi in Kara David's I-Witness documentary, “Hinabing Pag-Asa” this Saturday, May 4 on GMA 7.

Filipino version:

Sa naganap na giyera sa Marawi halos dalawang taon na ang nakararaan – nasira nang husto ang lungsod. Pero ang pagbangon – hindi lang natatapos sa muling pagtatayo ng mga gusali o pagpapatag ng mga daan. Dahil para sa mga Maranao – higit na mas mahalaga ang muling pagtataguyod ng kanilang kultura.

Kabuhayan at mahalagang tradisyon para sa mga Maranao ang paghahabi. Kadalasang ipinapasa ang sining na ito sa pinaka matandang anak na babae. Pero sa kaso ni Muslimah, namatay ang kanyang panganay sa kasagsagan ng giyera. Sino na ngayon ang magpapatuloy ng tradisyon ng paghahabi sa kanilang pamilya?

Tumagal ng halos limang buwan ang giyera at habang nasa evacuation center, ilang mga kababaihan ang nakaisip na muling simulan ang paghahabi. Sa mga panahong iyon, hindi lang ito kabuhayan o tradisyon para sa kanila --- kundi paraan din para makalimot at mawala ang atensyon nila sa kaliwa't kanang mga pagsabog at putukan. Sa pagtatapos ng giyera, naging daan ito para muling mapagyaman ng mga Maranao ang sining ng paghahabi.

Sundan ang kanilang kuwento ng pagbangon at pagbuhay sa isang natatanging tradisyon. Panuorin ang dokumentaryo ni Kara David na “Hinabing Pag-Asa” ngayong Sabado, May 4 sa GMA 7.