'Ang Huling Pintor ng Pinilakang Tabing,' dokumentaryo ni Atom Araullo, ngayong Linggo sa 'I-Witness'
“ANG HULING PINTOR NG PINILAKANG TABING”
Dokumentaryo ni Atom Araullo
Feb. 10, 2019
Naalala nyo pa ba ang mga higanteng imahe ng mga artista at ang kanilang pinagbibidahan na pelikula? Nakapaskil ito sa harapan ng mga sinehan noon. Tinatawag itong "marquee" o film posters na iginuhit sa katsa sa pamamagitan ng pintura.
Pero isang sinehan na lamang ang nagsasabit nito. At nasa gitna pa ito ng maingay at magulong lansangan sa Quiapo.
Ang hand-painted marquee ay gawa ng natitirang pintor ng huling kompanyang gumagawa nito.
Si William ay dalawang dekada nang nagppipinta ng marquee para sa kompanyang Sagmit.
Naaalala pa raw niya nung kasagsagan ng pagtangkilik ng mga Pinoy sa mga pelikulang palabas sa mga sinehan sa Recto, Avenida at iba pang lugar sa Maynila. Obra ang turing nila sa mga pinipintang marquee dahil mahirap gayahin ang mukha ng mga artista. At proud sila pag napupuri ng mga film producer.
Subalit ngayon, naghihintay na lamang siya na isang araw, magiging huling obra na nya ang ipinipinta.
Samahan si Atom Araullo at alamin ang naging papel ng mga pintor sa kasaysayan ng pelikulang pilipino ngayong Pebrero 10 sa I-Witness.
English version
Remember when ginormous hand-painted film billboards were used to advertise films that were currently showing or slated to be shown in the succeeding weeks? There was even a time when these were spread across every cinema in Manila.
At present, however, there is only one cinema left that hangs hand-painted billboards on its facade... and there is only one painter remaining who creates these.
Thirty-nine-year old William recalls when painting movie billboards was fun because painters worked side by side, challenging one another to create a masterpiece, attempting to come up with the perfect image of FPJ, Dolphy, Vilma Santos, and other celebrities.
But now, his only thoughts are --- "until when will what I do matter?"
Join Atom Araullo as he takes a trip down memory lane to reminisce a bygone era. I-Witness airs this Sunday, February 10, on SNBO.