Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Kawayang Alkansya,' dokumentaryo ni Kara David, ngayong Sabado sa 'I-Witness'


“KAWAYANG ALKANSYA”
Dokumentaryo ni Kara David
January 5, 2019

Tuwing Disyembre hanggang sa pagpasok ng bagong taon, laman ng mga lansangan ang ilang mga katutubong Aeta na lumuwas pa mula probinsya papuntang Maynila para manlimos. Matanda man o bata at ang iba – may bitbit pang sanggol habang nangangatok sa mga sasakyan, sumasakay sa mga pampasaherong jeep at nag-aabot ng mga sobre. Nagsimula ito nang pumutok ang bulkang Pinatubo taong 1991. Dahil nawalan ng kabuhayan – napilitan silang bumaba ng bundok dala ng pangangailangan. Sa pagdaan ng mga taon, tila naging taunang aktibidad na ito ng ilang katutubong Aeta.

Pitong taong gulang noon si Arturo nang dalhin siya ng kanyang ina sa Maynila para manlimos. Pero ngayon, hindi na raw siya aasa sa panghihingi at pagpapaawa. Sa kanyang pagluwas kasama ang mga kaanak, bitbit nila ang mahigit dalawandaang pirasong alkansya na gawa sa kawayan upang ibenta. Maglalakad ng halos isang oras pababa ng bundok, sasakay ng jeep papunta sa terminal ng bus at doon sasakay ng biyaheng pa-Bulacan na tatagal ng halos limang oras. Sa bisperas ng Pasko, ba-biyahe ang mga katutubong Aeta patungong Maynila para doon ipagpatuloy ang pagbebenta ng kanilang alkansyang kawayan.

Sundan ang natatangi nilang paglalakbay sa dokumentaryo ni Kara David na “Kawayang Alkansya” at humanga sa kanilang determinasyon at pagpupursige. Abangan ang kanilang kuwento ngayong Sabado, January 5, sa I-Witness sa GMA-7.

English version

Every December, several Aetas flock the streets of Metro Manila to beg for alms. This started when Mount Pinatubo erupted on 1991, when Aetas were forced to come down from the mountains to beg as they lost their livelihood.  As years passed, this became a yearly activity for some Aetas.  Arturo was only seven years old when his mother took him to Manila to beg for money.

But now, Arturo wants to change this practice. Along with his relatives, he went on a journey to the city from the mountains, carrying with them two hundred pieces of coin banks made of bamboo.  They walked for an hour, rode a jeepney to the station where a bus took them on a five-hour ride to Bulacan. Instead of begging, he and his family sold  handcrafted coin banks. On Christmas Eve, they travelled to the city in the hopes of selling more items.

Catch this inspiring documentary about perseverance and determination.  Follow the journey of Arturo and his family on Kara David's documentary, “Kawayang Alkansya”, this Saturday, January 5 after Kapuso Movie Nights on GMA-7.