'Alamat ng Lechon,' dokumentaryo ni Mav Gonzales, ngayong Sabado, sa 'I-Witness'
“ALAMAT NG LECHON”
Dokumentaryo ni Mav Gonzales
December 15, 2018
Hindi kumpleto ang handaan kung walang lechon.
Sabi nga ng founder ng La Loma Lechoneros Association na si Monchie Ferreros, “Pwedeng meron kang sampung ulam, pero kung walang lechon, parang kulang pa rin.”
Pumunta si Mav at ang kanyang team sa La Loma, Quezon City para alamin ang mahaba at masarap na kasaysayan ng inihaw na baboy. Ang La Loma raw ang “Lechon Capital ng Pilipinas,” at taun-taon nagdaraos pa sila ng parada ng mga lechon.
Noong 1900s, dinarayo ang La Loma dahil sabungan. At kung nasaan ang mga tao, tiyak merong pagkain. Sa sabungan mismo noon, may nagbebenta rin ng lechon.
Ngayon anumang araw ka man dumaan, makikita mo ang daan-daang lechon na naka-hilera sa mga kalye ng La Loma. Pero bago silang lahat, nauna na si Mang Tomas.
Pumunta rin ang team ni Mav sa Cebu para hanapin ang unang lechonero roon. May mga nagsasabing mahilig na sa karne ng baboy ang mga Cebuano bago pa man dumating ang mga Español sa Pilipinas.
Ngayon pumutok na ang industriya ng lechon sa iba’t ibang bahagi ng probinsya, kabilang ang Carcar City kung saan meron pang espesyal na lechon section ang palengke.
Posible ba na hindi naman pamana sa atin ng mga Español ang lechon?
Sa kanyang kauna-unahang dokumentaryo sa I-Witness, susubukang alamin ni Mav and ng kanyang team kung saan talaga nagsimula ang love affair ng mga Pilipino at ng lechon.
Mapapanood ang “ALAMAT NG LECHON” ngayong Sabado, pagkatapos ng Kapuso Movie Night.
English version
No celebration is complete without a lechon.
La Loma Lechoneros Association Founder Monchie Ferreros sums it up simply: “Pwedeng meron kang sampung ulam, pero kung walang lechon, parang kulang pa rin.”
Mav and her team visits La Loma, Quezon City to find out the long and delicious history of the roasted pork dish. La Loma claims to be the “Lechon Capital of the Philippines,” thus, holding an annual lechon parade.
In the early 1900s, people flocked to La Loma because of its cockfights. And in the cockpit, lechon was being prepared.
Now you will see hundreds of lechon lined up along the streets of La Loma on any given day. But before that, there was the first lechonero, Mang Tomas.
Mav and her team also traveled to Cebu to trace its first lechonero. Some say the Cebuanos’ affinity with pork goes back way before the Spaniards settled in the Philippines.
Now, the lechon business has boomed to various parts of the province, with Carcar City even having a dedicated lechon section in the market.
Could it be that lechon is not a culinary heritage we learned from the Spanish?
In her first I-Witness documentary, Mav and her team try to discover where the Filipinos’ love affair with lechon really began. “ALAMAT NG LECHON” airs this Saturday, after Kapuso Movie Night.