Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Taal: Saksi sa Kasaysayan,' dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo, ngayong Sabado sa 'I-Witness'


“TAAL: SAKSI SA KASAYSAYAN”

Dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo

November 17, 2018

Pagpasok pa lang sa bayan ng Taal, sasalubungin ka agad ng isang antigong arko.  Ito ang unang mong sulyap sa isang lugar na napakayaman sa kasaysayan at kultura na nanatiling mahalaga magpahanggang ngayon.

Napakagandang pagmasdan ang mga engrandeng bahay na bato. Hindi mahirap isipin na mayaman noon ang bayang ito.

Napakasarap magbalik-tanaw kung ano ang buhay ng mga tao noong unang panahon. Dahil dito sa Taal, tila tumitigil ang orasan.

Pero ang kasaysayan ng Taal hindi sa lugar na ito nagsisimula kundi doon mismo sa paanan ng bulkan. Taong 1754 nang sumabog ang bulkan at lumikas ang mga naninirahan doon sa mataas na lugar kung saan matatagpuan ang bayan ng Taal ngayon. Bago pa man makarating ang mga Kastila sa bayan, buhay na buhay na ang bayan sa pangangalakal sa mga Tsino, Hapon at mga galing India.

Pagdating ng mga Kastila, ang Taal ay naging kanlungan ng mga bayani.  Ang mga mayayamang Taalenyo, kung hindi man sumapi ay sumuporta sa rebolusyon. Isa sa pinakamayaman na pamilya ay ang mag-asawang sina Don Eulalio at Gliceria Villavicencio. Nagbigay sila ng P18,000 kay Jose  Rizal sa Hongkong at ibinigay din nila ang isang barko na naging kauna-unahang barko ng mga katipunero. Sinasabing sikretong nakikipagpulong sa kanilang mansion si Andres Bonifacio noon. Mahaba ang naging ugnayan ng mag-asawa sa mga katipunero na pinagbayaran ni Don Eulalio ng kanyang buhay.

Sa Taal din natagpuan ni General Emilio Aguinaldo ang kanyang pangalawang asawa na pamangkin ni Marcela Agoncillo na gumawa ng unang watawat ng Pilipinas. Marami pang ibang bayani ang nag-ugat sa Taal.

Sa isang sulok ng bayan, naroon din ang isang antigong balon na halos 400 taon nang binibisita ng mga deboto.  Nilagyan ito ng magandang arko bilang palatandaan ng mga Kastila sa lugar ng aparisyon ng Birhen ng Caysasay noong 1611.   Sa harapan ng munispyo, sa itaas ng isang burol,  nakatayo ang Basilica de San Martin of Tours— ang pinakamalaking simbahang Katoliko sa Asya. Itinayo noong 1575 pero nagiba ito sa isang lindol noong 1849. Noong 1856, itinayo ulit ang simbahan at hanggang ngayon, naging isang saksi sa mahaba at makulay na kasaysayan ng bayan ng Taal.

Ngayong Sabado sa I-Witness, samahan si Sandra Aguinaldo na magbalik-tanaw sa isang lugar na minsan nang nilakaran at naging kanlungan ng ating mga bayani, pagkatapos ng Kapuso Movie Night.

English version

As you enter the town of Taal, you are immediately welcomed by a centuries-old arch.  This serves as your first glimpse of a place that is rich in history and culture, and remains to be relevant up to now.

As you go around this heritage town, it is fascinating to look at the old Spanish stone houses.  It is not difficult to imagine that this used to be a very progressive town.

Here in Taal, it seems that time stood still and you can look at back and imagine what life used to be for those who lived there.

But Taal’s history doesn’t begin where the place stands now. The old Taal town originated at the foothills of the volcano. When it erupted in 1754, the residents relocated at its current higher location.  Even before the Spaniards came, Taal is already a thriving community— trading with the Chinese, Japanese and Indians.

During the Spanish occupation, Taal produced many revolutionary heroes.  The rich illustrados of Taal either joined the revolution or supported the Katipunan. One of the most prominent family in Taal, Don Eulalio and his wife Gliceria Villavicencio gave P18,000 pesos to Jose Rizal in Hongkong and donated a ship which became the Katipunero’s first warship. It is believed that Andres Bonifacio would secretly hold meetings at the dungeon of their mansion. The husband and wife would have a long involvement with the revolutionaries and because of that, Don Eulalio Villavicencio paid dearly with his life.

It is also in Taal where General Emilio Aguinaldo would meet his second wife who is the niece of Marcela Agoncillo, the woman who sew the first Philippine flag.

In one area of town, there is also an ancient well that has has been visited by devotees for the past 400 years. A huge carved stone arch serves as a marker believed to be the apparition site of the Virgin of Caysasay in 1611. In front of the municipal hall, sitting on a hill, is the largest church in Asia, the Basilica de San Martin of Tours.  Built in 1575, it was devastated by an earthquake in 1849.  It was rebuilt in 1856 and for centuries has stood witness to Taal town’s role in Philippine history.

This Saturday, join Sandra Aguinaldo as she goes back in time in a town that was once a cradle of heroes. Don’t miss I-Witness after Kapuso Movie Night.