'Bike to School,' dokumentaryo ni Howie Severino, ngayong Sabado sa 'I-Witness'
“Bike to School”
Dokumentaryo ni Howie Severino
AIRING DATE: SEPTEMBER 22, 2018
Walang katapusang pangangantiyaw ang inabot ng estudyanteng si Reynaldo Naque. Pinanganak siyang kuba at tila kinukutya siya dahil dito.
Pero ngayon, matikas ang tayo ni Reynaldo sakay ng kaniyang bisikleta. Isa siya sa mga estudyante ng Dr. Beato Macayra National High School sa Davao Oriental na nabigyan ng bisikleta para maibsan ang layo ng biyahe papasok ng eskuwelahan. Ang donasyong bisikleta, hindi lang nakatulong kay Reynaldo sa pagpasok niya araw-araw kundi nakatulong rin para magkaroon siya ng mga kaibigan. Ika nga ni Reynaldo, pantay-pantay sila kapag nakasakay ng bisikleta.
Limang oras mula sa Davao, bibisitahin ni Howie Severino at ng kaniyang documentary team ang look ng Baganga para makita kung paano binago ng bisikleta ang buhay ng mga kabataan doon. Ilan lang sila sa mga tinutulungan ng Bikes for the Philippines, isang NGO na naglalakbay sa buong bansa para bigyan ng bike ang mga batang nangangailangan. Ang mga bisikletang ito, mga donasyon galing pang America. Matutuklasan ni Howie Severino na hindi lang ito basta simpleng regalo, kundi isang donasyon na may kaakibat na responsibilidad. Kinakailangang sumailalim sa training ang mga estudyante, mula sa bike safety, bike maintenance, hanggang sa group riding. Kailangan ding siguraduhin ng paaralan na hindi na uma-absent at lagi nang dumarating sa tamang oras ang mga estudyanteng nabigyan ng bike.
Sa kanilang pagbisita sa Baganga, makikita ni Howie at ng kaniyang team na dahil sa mga bigay na bisikleta, mas lumalim ang samahan ng komunidad. Dito rin nila malalaman na ang bike, hindi lang instrumento ng transportasyon, kundi instrumento ng pagbabago.
English version
High school student Reynaldo Naque used to be teased mercilessly because he was born with a spinal deformity.
Now he stands proudly among his peers. Along with dozens of others at his public school in Davao Oriental, Reynaldo was given a donated bicycle so he could travel the long distance to school every day. What the donors didn't realize is that the bike would also enable him to fit in with other teens, as his disability is hardly noticeable when he's biking. He also made new friends among other riders.
Howie Severino and his documentary team make the long journey to rural Mindanao's Pacific coast to bike with these kids and see firsthand how the simple bicycle has transformed the lives of impoverished children. The non-profit group Bikes for the Philippines has been traveling across the country's islands equipping children with bicycles donated from overseas. This is not a simple giveaway. The students must first undergo training in safety, bicycle maintenance and group riding; and the host schools must commit to making sure the bikes improve attendance and punctuality.
In the process, the donated bikes deepen relationships in the community and create a window for Howie and his team to understand how bikes are not merely transportation. They can be tools for change.