'Gintong Butil,' dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo, ngayong Sabado sa 'I-Witness'
“ Gintong Butil”
Dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo
AIRING DATE: SEPTEMBER 15, 2018
Habang sa Maynila at sa mga karatig-probinsya hindi mapatid-patid ang pila ng mga tao para makakuha ng ilang kilo ng NFA rice. Sa probinsya ng Tarlac, makikita ang maraming palayan na hinog na hinog na para sa panahon ng anihan. Maraming magsasaka ang nag-aabang na sa biyayang bitbit ng mga butil ng palay na katumbas ng tatlong buwang paghihirap.
Sa bukid, ang salitang hirap ay hindi isang “expresssion” lamang. Bugbog ang katawan , bilad sa init ng araw at kung minsan basa sa ulan. Ang mga paa, pirmeng nakabaon sa putik.
Si Rudy Manuel, naka-ani ng 60 kaban ng palay sa isang ektaryang lupang pag-aari niya. Pero dahil walang pamuhunan, napilitan siyang umutang sa isang buying station at doon na rin nagbenta ng inaning palay. Hindi raw niya kayang ibenta ang ani sa NFA dahil bukod sa mababa ang bilihan sa kanila, kailangan niyang ipambayad utang ang palay sa buying station na namuhunan sa kanya. Sa huli, limang libo piso lang din ang naiwan na kita kay Rudy pagkatapos makaltas ang utang— kakarampot na halaga para sa 3 buwang paghihintay. Sabi nga niya, kapag bumaon na sa putik ang magsasaka, baon na rin ito sa utang.
Pero masuwerte pang maituturing si Rudy, dahil ang mga walang lupa at nakikisaka lang, arawan lang ang kita. Sina Jacqueline Facun, Lydia Martin at Warlita Ramil ay ilan lang sa mga babaaeng magbubukid sa bansa. Ang kinikita nilang 100 hanggang 300 piso sa isang araw, dodoble kung dalawang miyembro ng pamilya ang magtatrabaho sa bukid. Trabaho mang panlalaki, kayod-kalabaw ang mga kababaihan. Sabi kasi nila, hindi sasapat ang kikitain ng mga asawa nila kung 'di sila sasama sa bukid.
Si Marvin Marquez naman, may asawa, dalawang maliliit na anak at biyenan na binubuhay. Pero, paano niya bubuhayin ang pamilya sa isang daang pisong kikitain sa bawat araw? Ang taong nagkakanda-kuba sa trabaho sa palayan, madalas, ginagawang lugaw ang kakarampot na bigas na nabili para makakain ang bawat miyembro ng pamilya. May pagkakataon na raw na habang umiyak ang mga anak niya sa gutom sumagi sa isip niyang magnakaw.
Sa mga panahong ito ang pinakamataas na bentahan ng bigas sa merkado. Panahon sanang makatitikim naman ng kaunting ginhawa ang mga magsasaka. Pero bakit tila hindi naman sila nakikinabang sa mataas na presyo ng bigas?
Ngayong Sabado, kikilalanin ni Sandra Aguinaldo ang mga taong naghahanap ng “Gintong Butil”, sa I-Witness pagkatapos ng Kapuso Movie Night sa GMA.
English version
While Filipinos in Manila and surrounding provinces scramble to queue for a few kilos of NFA rice, in Tarlac province, farmers are gearing up for the start of harvest season. Many farmers here are looking forward to reaping the rewards of 3 months of labor.
Saying that rice farming is a tough job is an understatement. Tired and sore muscles and exposure to sun and rain are part of a farmers’ daily grind. Their feet are always buried in mud.
From his 1-hectare plot, Rudy Manuel was able to harvest 60 sacks of rice grains. But unable to fund his crops, he had to take out a loan from a buying station with the agreement that he sells his harvest to them. Rudy says, he can’t sell to the NFA because their buying rate is too low. He also needs to fulfill his obligations to the buying station. In the end, after the loan was deducted, he is only left with five thousand pesos as profit. Rudy says, once a farmer dips his feet into the mud, he is already buried in loans.
But in a way, Rudy is still lucky because those who do not own a parcel of land earn much less. They only get a daily rate as farm hands. Jacqueline Facun, Lydia Martin and Warlita Ramil are just three of the many women farmers who have joined their husbands in the fields to supplement their family income. Their income of 100-300 pesos will double if two members of the family join in the work.
Meanwhile Marvin Marquez has a wife, 2 small children and a mother-in-law to feed. But how do you subsist on 100 pesos a day? The man who does back-breaking work in the rice field often has to make rice porridge so everybody can eat.
Rice prices have soared to a record high. This should be the time when rice farmers should feel a little relief from the burdens of poverty. But it seems that they are not benefitting from the high selling price of rice.
This Saturday Sandra Aguinaldo shares the stories of those in pursuit of the golden grain. I-Witness airs on GMA after Kapuso Movie Night.