'Joiners,' dokumentaryo ni Mariz Umali ngayong Sabado sa 'I-Witness'
“JOINERS”
dokumentaryo ni Mariz Umali
AIRING DATE: SEPTEMBER 8, 2018
Pangkaraniwan na sa mga magkakaibigan at pamilya ang magbakasyon sa iba't ibang lugar. Pero ano ang mangyayari kung ang makakasama mo sa biyahe ay mga estranghero?
Naging patok sa bansa ang Joiners nitong mga nakaraang taon. Ang Joiners ay grupo ng mga taong hindi magkakakilala pero nagsama-sama sa iisang bakasyon o lakad.
Para kina John at Roma, ang kanilang hilig sa pagsama sa ganitong mga lakad ang naging daan upang sila ay magkakilala at magka-ibigan. Ngayon, may is ana silang sanggol na anak na isinama pa nila sa pag-akyat sa Mt. Ulap sa Itogon, Benguet.
Naging daan naman ni Desiree na gamutin ang kanyang depresyon sa pagsama sa Joiners. Samantala, sina Jay, Abel at Crizzan ay kapwa umaasa na matatagpuan din nila ang kanilang makakasama habambuhay sa Joiners tulad ng nangyari kina John at Roma.
Ngayong Sabado sa I-Witness, samahan si Mariz Umali sa pag-akyat sa Mt. Ulap at alamin ang nakatutuwang kuwento ng Joiners.
English version
It is common for friends and families to plan a trip to relax and unwind. The bond has already been established among loved ones --- a factor that adds to the enjoyment of the trip. But what happens when you join a trip with a group of strangers?
Joiners has lately become a trend in the Philippines. They are a group of people who do not know each other but go on a trip together.
John and Roma were Joiners who ended up falling in love with each other. They now have a 7- month old baby who joined them in their trip to Mt. Ulap in Itogon, Benguet.
Desiree finds comfort in travelling as it helps her alleviate her depression, while Jay, Abel and Crizzan hope to find love like John and Roma did.
This Saturday on I-Witness, don’t be left behind as Mariz Umali hikes up Mt. Ulap to learn about the wonderful stories of Joiners.