‘Pag-asa sa Pagbasa,’ dokumentaryo ni Kara David ngayong Sabado sa I-Witness
“PAG-ASA SA PAGBASA”
Dokumentaryo ni Kara David
AIRING DATE: SEPT. 1, 2018
Sa Sauyo High School sa Quezon City, may isang section kung saan ang itinuturo --- pagbaybay ng mga salita, pagsusulat ng mga letra at pagkilala sa mga kulay. Pero ang klaseng ito, wala sa elementarya kundi nasa high school na. Sila ang Section Darwin – isang klase na binubuo ng dalawampu't siyam na mga estudyanteng nakatuntong sa Grade 7 pero hindi pa rin nakapagsusulat at nakababasa.
Kabilang sa Section Darwin ang dose anyos na si Louie. Bagama't hirap maski sa simpleng pagsusulat at pagbabasa, taon-taon siyang ipinapasa ng kanyang mga guro at ngayo'y nakatuntong pa ng Grade 7. Imbis din na aralin ang mga leksyon pagkatapos ng klase, sa tambakan ang diretso ni Louie para mangalakal. Ang kakarampot kasing kikitain niya – malaking tulong na raw sa kanilang pamilya.
Nasa Section Darwin naman ng Grade 8 ang kinse anyos na si Jack. Dahil madalas na walang naibibigay na pambaon ang kanyang mga magulang, lumiliban na lang noon si Jack sa kanyang mga klase at kalauna'y napag-iwanan. Hanggang sa makaabot siya ng high school nang hindi nakapagsusulat at nakababasa. Pero dahil sa kagustuhang matuto --- at dahil na rin sa suporta ng kanyang pamilya at mga guro, nakapagsusulat at nakapagbabasa na ngayon si Jack.
Pero bakit ipinapasa ng eskuwelahan ang mga kagaya nilang “non-reader” at “slow reader?” Hindi ba ipinatutupad ng Department of Education ang “No Read, No Pass Policy?” Kanino raw ba dapat isisi kung bakit umaabot sila ng high school nang hindi nakababasa at nakapagsusulat --- sa mga guro, sa kahirapan, sa kakulangan ng suporta mula sa magulang o sa mismong kagustuhan nila na matuto?
Panuorin ang dokumentaryo ni Kara David na “Pag-asa sa Pagbasa” ngayong Sabado sa I-Witness.
English version
In Sauyo High School in Quezon City, there is a class where the lesson is all about syllabicating words, writing the alphabet and identifying colors. This class, however, is not in the elementary level but in high school. This is Section Darwin and apparently, all 29 students of the class reached Grade 7 without knowing how to read nor write!
Twelve-year old Louie is one of the students of Section Darwin. Despite not being able to read or write, his teachers gave him passing grades every year until he eventually made it to Grade 7. Instead of studying his lessons after class, Louie would often head out to the dumpsite to collect rubbish which he can sell. Although not much, what he earns goes a long way for his family's needs.
Fifteen-year old Jack, meanwhile, is part of Section Darwin in Grade 8. Because he was hardly given allowance for school, Jack would often miss his classes until he eventually fell behind in terms of writing and reading. But because of his willingness to learn – along with the support of his family and teachers, Jack can now read and write.
Why do schools pass those considered as “non-readers” o “slow readers”? Isn't there a “No Read, No Pass Policy” being implemented by the Department of Education? And who is responsible for why students reach high school without knowing how to read nor write?
Don’t miss Kara David's documentary “Pag-asa sa Pagbasa” (Hope In Reading) on I-Witness this Saturday.