Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Sudsod sa Trabaho,' dokumentaryo ni Cesar Apolinario ngayong Sabado sa 'I-Witness'


"Sudsod sa Trabaho"

Dokumentaryo ni Cesar Apolinario

Airing : August 18, 2018

 

Sa paglubog ng araw sa Barangay Dancalan sa Donsol, Sorsogon, hinahanda na ni Gemma Yanson ang lambat at sudsod na gagamitin niya sa panghuhuli ng hipon sa dagat. Bitbit ang sakong lalagyan at maliit na ilaw, bubuhatin niya ang kawayang sudsod papuntang pampang at makikipagbuno sa malakas na hangin na kalaban niya tuwing panahon ng habagat. Ilang oras din siyang nagtitiyagang palakad-lakad habang kinakayod ang sudsod sa buhangin para sa huling kakarampot. Pagpasok kasi ng Agosto, taggutom ang mga manunudsod dito. Minsan, ilang piraso lang ang huli, o kapag mamalasin, wala talaga.  Pero madalas, hindi iniinda ni Gemma ang lamig at pagod.  Kung susuko kasi siya agad, walang kakainin ang mga anak at apo kinabukasan.

Dalawang beses sa isang linggo, nagwawalis si Gemma sa barangay at sumusuweldo siya ng P640 kada buwan—kulang na kulang sa 11 miyembro ng pamilya niyang kailangang kumain araw-araw. Tanggap niyang hindi na kayang bumuhay ng pamilya ang panghuhuli ng hipon pero ito na raw ang nakagisnan niyang trabaho.

Ang tiyahin ni Gemma na si Leticia Figueroa, sa pagususdsod din umaasa. Pero sa halip na sa dagat, sa malawak na ilog Donsol siya nanghuhuli.  Kailangan pang sumakay ng bangka para marating ang lugar kung saan siya madalas nagsusudsod. Sabi ng mga manunudsod, kailangan mag-ingat sa ilog.  Dapat kabisado mo itong mabuti dahil bigla itong lumalalim at ang putik sa ilalim, napakalagkit. Sa gitna ng ilog, kakaibang dilim ang bumabalot kay Leticia. Tanging ilaw ng alitaptap at ilaw sa ulo ng ibang manunudsod lang ang nagbibigay ng liwanag.

Tulad ni Gemma, pabalik-balik din si Leticia sa pagkayod ng sudsod sa ilog.

Tulad ni Gemma, kakarampot na huli rin ang bunga ng ilang oras na paghihirap.

Tulad ni Gemma, nanganganib din na walang makakain ang pamilyang umaasa sa kanyang huli ng gabing iyon.

Ngayong Sabado, kikilalanin ni Cesar Apolinario  ang mga babaeng manunudsod na gagawin ang lahat para lang maibsan ang kumakalam na sikmura ng kanilang pamilya.

English version

Every day after sunset in Barangay Dancalan in Donsol. Sorsogon, Gemma Yanson prepares her net and bamboo rods called “sudsod”.  Armed with her sack slung on her back and a small headlamp, she heads out into the ocean, ready to face the strong south wind. With her small frame, she patiently combs the seabed for shrimps.  But even after hours of hard work, there is very little catch — sometimes, none at all. Wet and cold, she resolves to come back and try again the next day. Gemma knows that if she doesn’t persevere, her kids and grandchildren will go hungry.

Twice a week, Gemma sweeps the streets in their community for which she earns P640 a month — not enough to feed a family of 11. Although she is aware that shrimp catching is not enough to sustain her family, she grew up watching her family relying on this industry.

Her aunt Leticia Figueroa is also a shrimp catcher. But instead of the ocean, she ventures out into the wide Donsol river.  She rides a small paddle boat to get to the area, carefully choosing where to go down.  Many shrimp catchers warn of the dangers of the river. The water is murky and the mud is very thick. The water can go from very shallow to very deep in a few steps. There is also the eerie darkness that envelops the entire river. Only the occasional firefly and headlamps of other shrimp catchers provide illumination. Despite these, Leticia braves the river night after night.

And like Gemma, she patiently pushes her “sudsod” in the dark, hoping to get lucky in catching a prize that she can’t see.

Like Gemma, very little catch is the result for the long hours of hard work.

Like Gemma, the family relying on her catch for the night might go hungry.

This Saturday on I-Witness, Cesar Apolinario gets to know the challenges female shrimp catchers face to be able to put food on the table.