'Plastic Republic,' dokumentaryo ni Howie Severino ngayong Sabado sa I-Witness
“PLASTIC REPUBLIC”
Dokumentaryo ni Howie Severnio
June 23, 2018
Howie Severino and his team explore Freedom Island, an oasis of lush mangroves on the shores of Manila Bay, the famous last wild space in our concrete jungle of a metropolis.
Before long, they crash into civilization's worst face, a sea of garbage pushed against the mangroves' edge. Stuck in a quagmire of trash, they notice that most of the garbage is plastic. Thus begins their investigation into how such a material of convenience has become a scourge of the earth and a threat to life.
But the real surprise was not the magnitude of the plastic problem but the creative and even quirky ways individuals are countering the most hideous effects of plastic waste. Howie and his team visit these folks as part of a journey of hope and inspiration. In the face of such an intractable crisis, some people are creating models of resistance and sustainability, turning plastic into art and sometimes finding ways not to use it at all.
(Filipino)
Ang Freedom Island, isang kanlungan ng mga bakawan sa baybayin ng Manila Bay, ang natitirang bakas ng kalikasan sa loob ng kalakhang Maynila.
Sa pagbaybay ni Howie Severino at ng kaniyang documentary team sa isla, tatambad sa kanila ang napakaruming realidad ng ating sibilisasyon: ang makapal na basura na palutang-lutang sa dagat. Sa gitna ng dagat ng basura, kapansin-pansin na halos lahat ng kalat, gawa sa plastic. Doon magsisimula ang imbestigasyon kung paano nga ba ang plastik, na nagdulot ng napakalaking ginhawa sa pang araw-araw nating pamumuhay, ang siya ngayong napakalaking banta sa buhay at kalikasan.
Sa gitna ng krisis sa kalikasan na dulot ng plastik, hahanapin ni Howie Severino ang mga taong gumagawa ng kani-kanilang solusyon upang hindi na makadagdag sa perwisyo dulot ng materyal na ito. Mayroong may malikhaing diskarte, at mayroon ding ilang taong nagsisikap na tuluyang talikuran na ang paggamit ng plastik. Ang kanilang mga kuwento, nagsisilbing inspirasyon tungo sa kalinisan at pagbabago.