'Kaharian sa Ilalim,' dokumentaryo ni Kara David ngayong Sabado sa I-Witness
“KAHARIAN SA ILALIM”
Dokumentaryo ni Kara David
April 7, 2018

Barangay Capisaan in the town of Kasibu, Nueva Vizcaya may seem like a plain, old barrio. But far from being ordinary, this town holds a hidden wonder. And its riches lie not on land but underneath.
Capisaan Cave is the fifth longest cave system in the Philippines at 4.2 kilometers. The well-preserved cave boasts of magnificent limestone formations. But getting to the heart of the cave is no easy feat --- it involves rappelling and crawling through narrow passageways and even swimming in areas submerged in deep water. Danger lurks in one mysterious part of the cave where the ground seems to swallow those who dare venture its chambers.
Seventy six year old Aaron Gadit serves as one of the tour guides in Capisaan Cave. He used to hunt bats in the cave for food. But when their local government prohibited this practice, bat hunters like him took on a different job as tour guides. Those who once threatened the bat population in the Capisaan Cave are now guardians of the environment.
For those looking for a thrilling adventure this summer, join Kara David as she enters the “Kingdom Underneath” (Kaharian Sa Ilalim). Watch her documentary on I-Witness this Saturday, after Celebrity Bluff on GMA 7.
Filipino Version:
Sa unang tingin, masasabing payak ang pamumuhay sa Barangay Capisaan sa bayan ng Kasibu, Nueva Vizcaya. Pero ang tunay na yaman pala ng kanilang lugar, hindi matatagpuan sa ibabaw ng lupa --- kundi nasa ilalim.
Ang Capisaan Cave ang ikalima sa pinaka mahabang kuweba sa buong Pilipinas. May haba ito na mahigit sa apat na kilometro at dahil hindi pa gaanong dinadagsa ng mga turista, napananatili ang natural nitong ganda. Pero bago masilayan ang tila kumikinang na mga limestone formation sa pusod ng kuweba - kailangan munang lumusot sa makikipot na butas, gumapang sa masisikip na lagusan, maglambitin sa lubid at lumangoy sa mga parteng lubog sa malalim na tubig. Mapanganib din ang bahagi ng kuweba kung saan mistulang kumunoy ang nilalakaran – sa bawat hakbang, tila ba hinihila ang mga paa papalubog sa putik.
Isa sa mga nagsisisilbing tour guide ng Capisaan Cave ang pitumpu't anim na taong gulang na si Aaron Gadit. Dati siyang nangunguha ng paniki sa kuweba para ipanlaman tiyan. Pero nang ipagbawal ito ng kanilang lokal na pamahalaan, hinikayat ang mga kagaya niya na magpalit ng kabuhayan at maging tour guide. Ang dating umuubos sa paniki, ngayo'y mga tagapangalaga na ng kalikasan.
Sa mga naghahanap ng kakaibang thrill ngayong summer - samahan si Kara David na pasukin ang “Kaharian sa Ilalim.” Panuorin ang kanyang dokumentaryo ngayong Sabado sa I-Witness, pagkatapos ng Celebrity Bluff sa GMA 7.