Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Special Olympics


Episode on October 22, 2007 Monday late night after Saksi The Philippines brings home 53 gold, silver and bronze medals from this year’s Special Olympics in Shanghai, China. It is the kind of victory the country never experiences in the regular Olympic Games. Kara David joins the delegation in Shanghai to watch these unique games intended for athletes and players with mental disabilities. Here, she meets young gymnast Malou who hails from a poor family in La Union. Her coach admits she trained Malou using only information she found in a gymnastics book, having no funding or formal support. In spite of this, Malou wins a surprising three bronze medals in this Special Olympics, her first time to compete. Kara also hangs out with the award-winning bowling team made up of Roxanne, Anton and Mark. Their disability has not limited them from competing – and winning - various international games. Filipinos also won medals in power lifting, swimming, track and field, table tennis and badminton in this year’s Special Olympics. The tireless efforts of their parents and coaches result in proud moments of achievement for these special athletes, all recorded by I-Witness' cameras. Join Kara David for this very special trip to Shanghai on i-Witness, Monday late night, on GMA-7.
Umani ang Pilipinas ng 53 gold, silver at bronze medals sa Special Olympics na ginanap ngayong Oktubre sa Shanghai, China. Isa itong tagumpay na di natin nakamit sa Olympics. Sinamahan ni Kara David sa Shanghai ang delegasyon ng Pilipinas para sa Special Olympics na inilalaan para sa mga manlalarong may kapansanan sa pag-iisip. Dito niya nakilala niya si Malou, isang batang may Down Syndrome na sa unang pagkakataon ay lumahok sa kompetisyon sa gymnastics. Ayon sa coach ni Malou, walang pormal na training ang bata. Sa gitna nito, nakapag-uwi pa rin si Malou ng tatlong bronze medals na kanyang ipapasalubong sa inang naiwan sa La Union. Nakilala rin ni Kara ang gold medal winning team sa larangan ng bowling na sina Roxanne, Anton at Mark. Hindi naging hadlang ang kakulangan nila sa pag-iisip para manalo sa ibat-ibang kompetisyon sa ibang bansa. Bukod sa kanila, nag-uwi rin ang mga Pinoy na atleta ng mga medalya sa larangan ng powerlifting, table-tennis, swimming, track and field at badminton. Nagbigay sila ng parangal hindi lamang sa ating bansa, kundi lalo na sa kanilang mga pamilya. Makikita ni Kara na sa likod ng tagumpay ng mga Pinoy na atleta sa Special Olympics ay ang kanilang mga magulang at coach na kung hindi dahil sa pagtiyayaga at pagmamahal nila ay mahihirapang makakakamit ng mga manlalaro ang ganitong tagumpay. Subaybayan ang pagsama ni Kara David sa delegasyon ng Pilipinas sa Shanghai, China at bilangin kung ilang medalya ang kanilang maiuuwi ngayong darating na Lunes pagkatapos ng Saksi.