'Pusang Gala,' dokumentaryo ni Howie Severino ngayong Sabado sa I-Witness
“PUSANG GALA”
Dokumentaryo ni Howie Severino
March 24, 2018
Marcelle is a buff, tattooed former DJ who misses the cats of BGC. He was one of the devoted nightly feeders of the strays who raised a pained outcry when their beloved felines just disappeared.
The mystery was only partly solved when a local hotel admitted to having the cat colony rounded up and taken elsewhere. Like many four-legged wanderers, the cats of BGC were considered pests.
But to Marcelle and other residents, they were friends. They searched for the cats in vain.
The controversy lit up social media and impelled Howie Severino and his documentary team to wonder about stray cats and search out other colonies.
They discover pockets of cat lovers who are trying to convince others of the strays’ right to live, and even their benefits to human communities. They’re pushing back against a widespread cruelty towards voiceless living beings.
As Severino and his team explore the divide between kindness and callousness, they realize that their story transcends animals, and is an allegory of our times.
Don’t miss Howie Severino’s I-Witness documentary, Pusang Gala, this Saturday on GMA. I-Witness airs after Celebrity Bluff.
(Filipino)
Macho at may tattoo, isang dating DJ si Marcelle na ngayo’y nami-miss ang mga dati niyang kaibigan. Isa siya sa mga masugid na nagpapakain sa mga pusang gala sa BGC, at isa rin siya sa mga tumulong sa paghahanap ng mga ito nang biglang mawala ang mga pusa.
Bahagyang nalutas ang misteryo nang inamin ng isang hotel na pinadampot nila ang mga pusang gala sa tulong ng isang pest control company. Tulad ng maraming aso at pusang pagala-gala, itinuring silang peste.
Ngunit para kay Marcelle at sa ilang residente sa BGC, ang mga pusang gala ay kanilang naging kaibigan. Sinubukan nilang hanapin ang mga pusa, ngunit hindi na nila ito nakita.
Ang kontrobersyang ito ang nag-udyok kay Howie Severino na sundan ang storya ng ilang pusang gala at ang puntahan ang kanilang mga teritoryo.
Nadiskubre nila ang ilang grupo ng cat loverna isinusulong ang karapatan ng mga hayop. Itinuturo din nila ang mga paraan para ma-kontrol ang populasyon ng mga pusang gala na hindi kailangang gumamit ng dahas.
Sa pag-ungkat ng mga kuwento ng malasakit para sa mga walang kalaban-laban, nabatid ni Severino na hindi lang ito kuwento tungkol sa pusa, kundi isang kuwentong sumasalamin sa estado ng ating lipunan ngayon.
Panoorin ngayong Sabado ang dokumentaryo ni Howie Severino, Pusang Gala. Mapapanood ang I-Witness pagkatapos ng Celebrity Bluff sa GMA.