Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Ang Huling Isla,' dokumentaryo ni Howie Severino ngayong Sabado sa I-Witness
“ANG HULING ISLA”
18th Anniversary Special
Dokumentaryo ni Howie Severino
November 25, 2017
The end of the Philippines, its back door, the last island. Panguan was a no man's land for years, except if you were a member of the Abu Sayyaf. Then it was your white-sand retreat in between kidnapping sojourns.
When Howie Severino and his documentary team travelled to Panguan, what they found was a series of surprises as they hopped from one island to another on a Navy gunboat en route to the edge of the country's territory.
Bongao, the provincial capital without stoplights, is a cultural melting pot with hardly any crime. Simunul is a neighboring island with the country's first mosque built in the 14th century, making the modern Philippines' back door ancient Islam's front door to Mindanao.
Sitangkai is a peaceful, picturesque municipality built on the sea, with crisscrossing canals that transport a traffic of goods from Malaysia.
The influence of the gentle Sama people (or Bajaus), from the local language to their water-borne ways, is felt everywhere in the region.
This influence took root on Panguan Island where Howie Severino's team landed after sailing through Tawi-Tawi's garland of islands to the very end.
Two vastly different communities are growing in what was once Abu Sayyaf territory, with Sabah's mountainous landscape visible across a narrow sea.
As Howie profiles the residents, he sees them as belonging to a unique global tribe of people inhabiting border regions across the planet, often lawless places caught between unfriendly countries.
The documentarists bring an important vintage map that shows many obscure islands of the Philippines, but does not contain this island and others in the backdoor. The guests leave the map with the residents as a gift but also as a warning.
Maps can be redrawn, and so can borders.
Filipino
Ang Huling Isla
Sa dulo ng Pilipinas, ang huling isla --- ang Panguan ay tinaguriang “no man’s land.” Ang puting paraisong ito, ilang taong ginamit bilang taguan ng mga Abu Sayyaf.
Dinayo ito ni Howie Severino bilang bahagi ng isang buwang paglalakbay sa mga border ng iba’t ibang bansa para sa ika-18 anibersaryo ng I-Witness. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon ni Severino na makarating sa pinakadulo ng Pilipinas.
Sa kanilang paglalakbay tungo sa Panguan, iba’t-ibang isla ang kanilang dinaanan.
Sa Bongao, ang provincial capital ng Tawi-Tawi, nagsama-sama ang iba’t-ibang kultura. Sa Simunul naman, matatagpuan ang kauna-unahang mosque ng bansa. Dito unang itinatag ang Islam sa Pilipinas.
Habang ang Sitangkai ay isang munting munisipalidad na nakatayo sa taas ng tubig. Nagsisilbi itong lagusan ng mga produkto mula Malaysia.
Sa bawat islang aming binisita, ramdam ang impluwensiya ng mga Sama-Bajau, mula sa wikang kanilang ginagamit hanggang sa pamumuhay nila sa dagat.
Ang kanilang impluwensiya, nagsisimula nang kumalat sa isla ng Panguan kung saan makakarating si Severino at ang kaniyang team.
Ang dating kuta ng Abu Sayyaf, ngayo’y nagsisilbing tahanan ng ilang mga Sama.
Silang mga nabubuhay at lumaki sa hangganan ng Pilipinas ay bahagi ng natatanging grupo ng mga tao sa buong mundo na namumuhay sa gitna ng dalawang bansa. Madalas, sila rin ang nadadamay sa alitan ukol sa teritoryo.
Kasama nila sa isla ng Panguan ang grupo ng Philippine marines na nakabantay beinte kuwatro oras para panatiliin ang katahimikan doon.
Sa dulo ng Pilipinas, dala-dala ni Severino ang isang mahalaga at lumang mapa. Binigay nila ito sa mga nasa isla bilang isang regalo at bilang isang babala: na ang mga mapa at hangganan ng mga teritoryo, maaaring magbago.
More Videos
Most Popular