Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

'From Manila to Milan,' dokumentaryo ni Jay Taruc ngayong Sabado sa I-Witness


“FROM MANILA TO MILAN”
18th Anniversary Special
Dokumentaryo ni Jay Taruc
November 11, 2017



FROM MANILA TO MILAN

After the heart wrenching story of Kabu the elephant who crossed the border from Myanmar to Thailand, Jay Taruc now shows the tenacity of two people while chasing success as part of I-Witness’ 18th anniversary series.

Jay flies to Milan to meet Marvin Aguda, a Filipino dishwasher-turned-pizza owner. He relates how a reversal of fortune made him successful as a Filipino entrepreneur in a foreign land.
While some Filipinos go to Milan to chase their dreams, an Italian came to the Philippines and found success.  Roberto Bellini captured the heart of food lovers when he established a restaurant in Cubao.

Two different countries, two different cultures, two different persons, one mission: to overcome boundaries. Don’t miss Jay Taruc’s documentary, “From Manila to Milan”, this Saturday on I-Witness after Celebrity Bluff.

Tagalog Version:

FROM MANILA TO MILAN


Matapos nating tunghayan ang kuwento ni Kabu, ang elepante na tumawid ng border ng Myanmar patungong Thailand bilang bahagi ng 18th anniversary ng I-Witness, ibabahagi naman ngayon ni Jay Taruc ang kuwento ng pagtitiyaga ng dalawang tao para maabot ang tagumpay.

Pinuntahan ni Jay Taruc sa Milan si Marvin Aguda, and dating dishwasher na ngayon ay nagmamay-ari na ng Pizzeria na pinagtatrabahuhan niya noon. Sa patuloy na paglalaan ng buong buhay sa pizzeria, isang pagkakataon ang hindi niya inaasahan. Sa pagbabahagi niya ng kanyang buhay na pinagtagpi-tagping katanungan, ikinwento ni Marvin ang pagsang-ayon ng tadhana sa kanya upang makapagsimula ng negosyo sa bansa kung saan siya’y isang dayuhan.

Habang itinuturing ang Milan na isang napakagandang tahanan ng karamihan, isang Italyano ang nakapukaw sa damdamin ng mga Pilipinong mahihilig sa pagkain dito sa Pilipinas. Ang “Bellini’s” na isinunod sa kanyang pangalan, Roberto Bellini, ay matatagpuan sa sentro ng Cubao, Quezon City.
Dalawang magkaibang bansa, dalawang magkaibang kultura, dalawang magkaibang tao, iisa ang misyon: lagpasan ang hadlang sa tagumpay. Ngayong Sabado, tunghayan ang dokumentaryo ni Jay Taruc, “From Milan to Manila” sa I-Witness, pagkatapos ng Celebrity Bluff.

Tags: pr, plug, i-witness