Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
EPISODE SYNOPSIS

'Isandaan,' dokumentaryo ni Kara David ngayong Sabado sa 'I-Witness'


ISANDAAN

DOKUMENTARYO NI KARA DAVID

AIRING DATE: OCT. 7, 2017

Sa maliit na bayan ng Narvacan, Ilocos Sur – tila natuklasan na ng ilang kababaihan ang sikreto sa mahabang buhay. Siyam kasi sa kanila, mahigit isandaan taon na ang edad at patuloy pang bumabangon sa bawat pagsikat ng araw.

Isandaan at isang taong gulang na si lola Felicidad. Pero sa kanyang edad, nagagawa pa niyang magbunot ng damo at magpanig panaog sa baytang ng kanyang bahay. Maski nga malabo na ang paningin, nagagawa pa rin niyang pilian ang bigas para tanggalin ang ipa. Pero masaya nga ba si lola Felicidad na inabot niya ang ganitong edad? Lalo't wala siyang anak o apo na mag-aalaga sa kanya?

Pinaka matanda naman sa buong Narvacan si lola Emilia – na kasalukuyang isandaan at apat na taong gulang na. Mahina na ang pandinig, bulag ang parehong mata at hirap na rin makabangon ang matanda. Sa kabila nito, hindi siya sinusukuan ng anak na si Emerencia – na ngayo'y pitumpu't dalawang taong gulang na rin. Dahil nga inialay ang buhay sa pag-aaruga sa ina, hindi na nakapag-asawa si Emerencia. Ngayong nasa dapithapon na rin siya ng kanyang buhay --- sino ang mag-aalaga sa mapagmahal na anak gayong wala siyang sariling pamilya?

Humanga sa kuwento ng katatagan ng mga centenarian ng Narvacan at alamin din ang sikreto nila sa mahabang buhay. Panuorin ang dokumentaryo ni Kara David na “Isandaan” ngayong Sabado sa I-Witness, pagkatapos ng Celebrity Bluff sa GMA 7.

English version:

In the small town of Narvacan in Ilocos Sur, it seems as though some women have discovered the secret to long life. Nine of them are already more than a hundred years old and still they wake up to the beauty of every morning.

Lola Felicidad is already 101 years old and yet she can still weed the grass and go up and down the stairs in her house. Even with poor eyesight, she can still pick out the husks among the tiny grains of rice. But is lola Felicidad truly happy that she reached her age when she has no child or grandchild to take care of her?

The oldest in Narvacan is lola Emilia who is 104 years old. Her hearing already impaired and both her eyes blind, she is now too weak to carry her own weight. Her daughter Emerencia remains by her side despite being 72 years old herself. Because of her devotion to her mother, Emerencia decided not to have her own family. Now that she is also in her twilight years, who would take care of the selfless daughter?

Be inspired by the centenarians of Narvacan, their love for life and their will to live as Kara David gets to know them on I-Witness this Saturday, after Celebrity Bluff on GMA 7.