'Sa Pusod ng Digmaan,' dokumentaryo ni Emil Sumangil ngayong Sabado sa I-Witness
“SA PUSOD NG DIGMAAN”
Dokumentaryo ni Emil Sumangil
August 12, 2017
Mayo nitong taon nang pasukin ng Maute group ang buong lungsod ng Marawi, isang grupo na pinaniniwalaang supporter ng international terrorist organization... ang Islamic State of Iraq and Syria o ISIS. Hangarin nila na ma-kontrol ang Marawi at kalanauna'y madeklara ito bilang Islamic State. Ang tumatayong pinuno ng kanilang grupo, ang lider ng Abu Sayyaf na si Isnilon Hapilon. Sinasabi na itinalaga siya bilang "Emir" ng ISIS dito sa Pilipinas. Ang reporter na si Emil Sumangil ang isa sa nakapasok sa mga pinaniniwalaang pinagkutaan ng mga Maute sa Marawi.
Nakasalamuha niya roon ang mga sundalong nakikipagpatintero kay kamatayan kada araw, mabawi lang ang ilang barangay na nakubkob ng mga kalaban. Isa rito si Lt. Geraldo Alvarez, ang Commander ng isang armored vehicle na muntik na raw malagay ang buhay sa peligro nang ma-corner sila ng grupong Maute. Apat na sa kanyang grupo ang nalagas. Isa rito si Lt. Alvarez na ngayon ay kandidato para gawaran ng Medal of Valor, isang pagkilalang binibigay sa mga nagpakita ng kabayanihan para sa bayan.
Nakilala rin ni Emil si Fatima Apat sa kanyang anak ang mapahanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakikita. Wala ring makapagsabi kung na-hostage o nasawi ang kanyang mga anak noong sumiklab ang engkuwentro. Para maibsan ang kanyang pag-aalala, nililibot niya ang mga evacuation center sa pag-asang muli niyang makikita ang kanyang mga mahal sa buhay.
Halos tatlong buwan na ang nakalipas pero wala pa ring katiyakan kung kailan matatapos ang sigalot sa Marawi. Kaya naman ang maghintay at magdasal na lang ang tanging magagawa ngayon ng mga tulad ni Fatima.
Mapapanood ang “Sa Pusod ng Digmaan” ngayong Sabado pagkatapos ng Celebrity Bluff.
-/KVD