Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs
EPISODE SYNOPSIS

'Sundalong Aso,' dokumentaryo ni Kara David ngayong Sabado sa I-Witness


“SUNDALONG ASO”
Dokumentaryo ni Kara David
August 5, 2017

 


When it comes to fighting for the country, men are not the only ones who risk their lives. Also braving wars are the MWDs or military working dogs of the Philippine Army K9 Battalion. In fact some of them have been sent to Marawi to take part in military operations.   

Just like real soldiers – MWDs also need to retire. One of them is Juvilon – a Belgian Malinois whose one eye has gone blind due to a cataract. While Lotto, another Belgian Malinoi, lost a leg in the line of duty. What happens to these dogs when they are no longer capable to serve as MWDs?  Who will take care of them after serving their country well?

Witness the heartwarming reunion between retired MWD Chika and her former handler Staff Sargeant Dominisio Dado. After almost five years of being apart, would Chika still remember her former master?

Watch Kara David’s  “Soldiers With Paws” (Sundalong Aso) this Saturday, after Celebrity Bluff on GMA 7.

Filipino version:

Pagdating sa pakikipaglaban para sa bayan, hindi lang tao ang nagbubuwis ng buhay --- kundi pati ang itinuturing na matalik niyang kaibigan. Sila ang mga MWD o military working dogs na kabilang sa K9 Batallion ng Philippine Army. Ang ilan nga sa kanila – kasalukuyang sumasabak sa kaguluhan sa Marawi.

Pero gaya rin ng mga sundalo – dumarating sa punto na ang mga MWD, kailangan nang mag-retiro. Ang Belgian Malinois na si Juvilon – bulag na ang isang mata nang dahil sa katarata. Samantalang ang Belgian Malinois rin na si Lotto, naputulan naman ng paa nang dahil sa isang aksidente sa gitna ng pagse-serbisyo. Dahil wala na raw ang kakayanan nila bilang mga MWD, saan na nga ba sila dadalhin at sino na ang kukupkop sa kanila?

Abangan din ang madamdaming pagtatagpo sa pagitan ng retiradong MWD na si Chika at ng dati niyang handler na si Staff Sargeant Dominisio Dado. Makalipas ang halos limang taon, makilala pa kaya siya ni Chika sa muli nilang pagkikita?

Panuorin ang dokumentaryo ni Kara David na “Sundalong Aso” ngayong Sabado sa I-Witness, pagkatapos ng Celebrity Bluff sa GMA 7.