'Impyerno sa Dagat,' dokumentaryo ni Howie Severino ngayong Sabado sa I-Witness
“IMPYERNO SA DAGAT”
Dokumentaryo ni Howie Severino
July 22, 2017

Divers from all over the world flock to the Philippines not just for its coral reefs but for its shipwrecks.
The wrecks include galleons of centuries ago. But the most numerous and accessible are the warships of World War II. They have since become rich artificial reefs and wondrous underwater playgrounds. But there is much more to these ships than meets a diver’s masked eyes.
Howie Severino and his documentary team visit two of the most famous shipwreck sites – Coron in Palawan and Subic Bay – to dive as well into the back stories of the most fascinating sunken vessels. Among them is a mysterious Japanese warship with giant refrigerators.
Accompanying Howie is Captain Peter, a German diver and master seaman who has spent much of his life exploring the wrecks. He unlocks the mysteries shrouding these enormous artifacts, and reveals them to be sorrowful remnants of horrific events.
While most divers see only mangled steel, Captain Peter perceives human suffering and folly.
In explaining his shipwreck obsession, he bares a painful wartime family history and an uncommon account of the war from the losing side.
(Filipino)
Dinarayo ng mga diver mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang Pilipinas hindi lang para sa yaman ng coral reefs nito, kundi para sa mga shipwreck.
Kabilang sa mga lumubog na barko ang mga galeon mula pa sa panahon ng mga Kastila. Pero ang pinakamarami at pinakasikat na mga barkong dinarayo rito ay ang mga labi ng Pangalawang Digmaang Pandaigdig. Nagsisilbi na ngayon bilang artificial reefs, ang mga dating hari ng dagat, playground na ngayon ng mga isda. Pero higit pa sa nakikita ng mga diver ang totoong halaga ng mga barkong ito.
Lalakbay si Howie Severino at ang kaniyang documentary team sa pinakasikat na dive destinations sa bansa – ang Coron sa Palawan at ang Subic Bay – para suungin ang mga kuwento ng nakaraan. Isa na rito ang pinaka- namumukod tanging barko noong WWII na may mga dambuhalang refrigerator.
Kasama ni Howie is Captain Peter, isang German diver at master seaman na ginugol ang mahabang panahon sa pag-aaral ng mga shipwreck sa Pilipinas.Si Captain Peter ang susi para mabuksan ang mapapait na kuwento ng mga barkong ito.
Bilang isang seaman, batid ni Captain Peter ang karahasan at paghihirap na maaaring naranasan sa loob ng mga barkong pinalubog noong digmaan.
Sa pag-ungkat sa mga kuwento ng kasaysayan, mabubunyag ni Peter ang personal niyang koneksyon sa digmaan at kung paano nito nahubog ang kaniyang kapalaran.