'People Power sa Davao,' dokumentaryo ni Howie Severino ngayong Sabado sa I-Witness
“PEOPLE POWER SA DAVAO”
Dokumentaryo ni Howie Severino
Feb. 25, 2017
There is little sign in Davao City today of the martyrs and heroes who fought the Philippines' equivalent of Goliath just a generation ago. There are no monuments, parks or plaques to remember the brave and triumphant Davaoeños who battled the dictator Ferdinand Marcos in the 1970's and 80's.
There is hardly any awareness anymore that the citizens of Davao led the nation in opposing martial law, by employing a startling political creativity and tapping into deep reservoirs of courage. But the people who fought and survived remember.
Howie Severino and his documentary team journey to Davao to mine the vivid memories of the fighters and survivors in order to right a wrong – that the people power narrative has been focused only on Manila. In truth, what happened in Davao greatly influenced national events that climaxed on EDSA in 1986.
The documentarists learn about the "Ninoy of Davao," Alex Orcullo, the electrifying orator who was gunned down in front of his family in 1984; the tragic young activist Karen Guantero whose death inspired one of Joey Ayala's most famous songs; and an elderly, feisty protest marcher named Soling Duterte who could stand up to generals.
After the downfall of Marcos and the return of democracy, Soling Duterte turned down President Cory Aquino's offer of a local position and instead told Cory to "take my son," who happened to be an obscure prosecutor named Rodrigo Duterte.
Filipino version:
Halos wala nang bakas sa Davao City ng mga martyr at bayani na lumaban noong martial law. Ni walang mga plake o monumento roon para alalahanin ang mga Davaoeño na nagbuwis buhay sa ngalan ng demokrasya noong dekada setenta at otsenta.
Kakaunti lang din ang nakakaalam sa mahalagang papel na ginampanan ng mga Davaoeño para matigil ang diktaturya. Davao ang naging sentro ng pakikibaka kung saan ang malalim na galit at takot sa rehimeng Marcos ay napalitan ng matinding lakas ng loob. Bagamat konti nalang ang nakakaalam, ang mga nakibaka ang siyang nakaka-alala.
Tutungo si Howie Severino sa Davao para ma-dokumento ang mga alaala ng mga dating aktibista at ng mga naiwan nilang mahal sa buhay para maituwid ang maling pananaw na matagal nang umiiral ukol sa kuwento ng people power – na saEDSA lang nangyari ang kilos protesta, at sa Manila lang naganap ang pakikipaglaban. Ang totoo, ang mga kilos protesta sa Davao at sa iba pang bahagi ng Pilipinas ang siyang naging mitsa sa pambihirang protesta na naganap sa EDSA noong 1986.
Matutuklasan nila ang naging buhay ng tinaguriang “Ninoy of Davao” na si Alex Orcullo. Nakuha ni Alex ang imahinasyon at puso ng publiko sa galing niyang magsalita, ngunit maikli lang ang kaniyang buhay. Binaril siya sa harap ng kaniyang pamilya sa kaniyang kaarawan noong 1984. Makikilala rin nila si Karen Guantero, ang naging inspirasyon sa isa sa pinakasikat na kanta ni Joey Ayala. Malalaman din nila ang buhay ni Soling Duterte, isang matapang na Davaoeña at aktibista na kayang makipagsagutan sa mga heneral.
Nang bumagsak ang rehimeng Marcos at nanumbalik ang demokrasya, tinanggihan ni Soling Duterte ang alok ni dating Presidente Cory Aquino para mamuno sa Davao. Imbis na siya, pahayag ni Soling kay Cory: “take my son”, at doon nagsimula ang political career ni Rodrigo Duterte.