'Vet ng Bayan,' dokumentaryo ni Howie Severino ngayong Sabado sa I-Witness
“VET NG BAYAN”
Dokumentaryo ni Howie Severino
January 28, 2017

Soon after Dr. Noel Manalo enters the teeming riles community in Biñan, Laguna, he knows an epidemic is raging. Eyes of patients are watery, their coughing is uncontrollable, a dying victim stricken with the disease is twitching out of control. Doc Noel calmly administers shots and gives advice on how to care for the sick.
The good doctor has identified the spreading disease as distemper, a common canine disease. For many dogs in this informal community, it is the first time they have seen a veterinarian.

It's a typical experience for Doc Noel, a veterinarian who works out of his compact vehicle, roving the countryside and shanty towns attending to the varied needs and ailments of pets. He also talks to the pet owners about rabies and how surely it can kill if the pets in the community aren't vaccinated.
Doc Noel is the country's first, if not only, mobile veterinarian, eschewing the clinic for the traveling life, visiting dogs and cats in their homes, including one haven with over 40 cats.
Before he leaves, he often cheers up dogs and their masters by performing music with fellow vet Doc Nine.
He visits Howie Severino's own rural community in Batangas where Howie's black Labrador needs an operation. It's a sensitive procedure that could help solve one of the most serious problems dogging the pet world.
(Filipino)
Sa pagtapak ni Dr. Noel Manalo sa mga bahay along-da- riles sa Biñan, Laguna, batid niyang may kumakalat na epidemiya. Nagmumutang mga mata, matinding pag-ubo…isang biktima ng epidemya ang nanginginig sa loob ng kaniyang hawla.
Isa-isang binibigyan ni Dr. Noel ng bakuna ang mga may sakit na aso, habang tinuturuan naman niya ang mga residente kung paano ang tamang pag-alaga sa mga ito. Ang mga aso kasi roon, hindi lang galisin, kundi may sakit na distemper, isang karaniwang sakit ng aso.Para sa maraming alaga roon, ito ang kauna-unahan nilang pagkakataong makakita ng isang doktor.
Ordinaryong eksena na ito para kay Doc Noel, isang mobile veterinarian na umiikot sa mga mahihirap na komunidad sakay ang maliit niyang kotse. Tinutugunan niya ang samu’t saring pangangailangan ng mga alagang aso at pusa, at binibigyan din niyang kaalaman ang mga komunidad ukol sa bagsik ng rabies.
Si Doc Noel marahil ang natatanging mobile veterinarian sa bansa. Ipinagpalit niya ang buhay sa loob ng klinika para sa isang buhay ng paglalakbay, binibisita ang bawat kliyente sa kani-kanilang tahanan, kabilang na ang isang kanlungan na may mahigit kuwarentang pusa.
Bago umalis sa mga komunidad, inililibang din niya ang kaniyang mga pasyente at kliyente sa pamamagitan ng musika, ka-jamming ang kaibigan niyang beterinaryo na si Doc Nine.
Bibisitahin din niya maging ang komunidad ni Howie Severino sa Taal, kung saan kakapunin niya si Howser, ang alagang Labrador ni Howie. Isa itong maselang operasyon, na maaari ring sagotsa problema ng lumulobong populasyon ng mga aso at pusa sa bansa.