'Walang Maiiwan,' dokumentaryo ni Kara David ngayong Sabado sa I-Witness
“WALANG MAIIWAN”
Dokumentaryo ni Kara David
November 5, 2016
Through rivers and endless tracks of muddy earth, on top of a hill, stands Burgos East Elementary School. This school at the edge of San Guillermo, Isabela teaches children from the remote communities of Dimalama, Dilukot, and Dicamay. To say that the school is in the middle of nowhere is an understatement. The everyday reality here is that children trek, ride their family’s carabao, cross hanging bridges and rivers just to attend class.
The Burgos East teachers are not spared from this difficult terrain. Much of their time depends on risks posed by rivers and landslides. But their greater foe is more powerful than the forces of nature- and much harder to fight. They have to battle school absenteeism.
“Walang Maiiwan” is a story about a school caught in the middle of hardships. In a place where learning the ABCs is enough education, head teacher Jun Marquez strives to keep their students motivated.
This Saturday on I-Witness, Kara David meets teachers and students faced with the bitter truth that earning a living is a priority over the need for learning. What will teachers do to make sure that no one is left behind?
Watch “Walang Maiiwan” on GMA 7 this November 5, 2016 after Superstar Duets. For comments, tweet Kara David, @karadavid and I-Witness, @IWitnessGMA. For a chance to win “The Best of Kara David, Vol. 2”, tweet or post memorable sound bites or lessons from the documentary at I-Witness @IWitnessGMA (official Twitter and Facebook accounts) and use #WalangMaiiwan. You may also tweet Kara David, @karadavid.
Filipino version:
Tubig at putik. Sa maliit na paaralan ng Burgos East Elementary School, idinidikta ng agos ng ilog at walang hanggang putik ang kapalaran ng mga mag-aaral. Ito ang dulong paaralan ng San Guillermo, Isabela, ang paaralan ng mga bata mula sa malalayong komunidad ng Dimalama, Dilukot at Dicamay. Araw-araw, kailangan nilang maglakad, sumuong sa ilog, tumawid ng tulay--- para pumasok at makinig sa klase.
Maging ang mga guro ay hindi ligtas sa tubig at putik: parte ng kanilang tungkulin ang lampasan ang umaapaw na ilog at mga gumuhong lupa sa kalsada. Ngunit hindi kalikasan ang tunay na kalaban ng Burgos East. Dito, ang tunay na pagsubok ay ang pagliban sa klase o school absenteeism.
Sa gitna ng mga naghihirap na komunidad, patuloy na nangangarap ang mga guro ng Burgos East. Pangarap nilang hindi makuntento ang mga magulang at ang mag-aaral sa simpleng ABC. Pangarap nilang lahat ay makinabang sa kanilang misyon na magturo. Ang “Walang Maiiwan” ay kuwento ng isang komunidad sa gitna ng nagkukrus na landas: pagkain o aklat?
Mapapanood ang “Walang Maiiwan” sa GMA 7 ngayong Sabado, November 6, 2016 pagkatapos ng Superstar Duets. Magtweet o magpost sa I-Witness @IWitnessGMA (ang official Twitter and Facebook accounts) ng mga aral o paboritong soundbites mula sa dokumentaryo (gamitin ang #WalangMaiiwan) at manalo ng “The Best of Kara David, Vol. 2”. Maaari ring magtweet kay Kara David, @karadavid.