'BUSAL,' dokumentaryo ni Howie Severino ngayong Sabado sa I-Witness
“BUSAL”
Dokumentaryo ni Howie Severino
October 22, 2016
In poor crowded neighborhoods in the Philippines, nights are pierced by the cries of the survivors. They wail while fathers, sons, and lovers are carried out of their homes lifeless or after they’re found on the street as the handiwork of masked assassins.
For many TV viewers these days, the screaming and weeping are the voices of the poor that they commonly hear.
To produce “Busal”, Howie Severino and his documentary team seek out the normal voices of the poor – the storytellers and explainers, and even stage actors.
They meet Lilian, a grandmother who is raising her grandchild in Manila North Cemetery, while eking out a living among the dead. They chill with Christian, an enterprising 20-year-old who grew up under a bridge and put himself through school. He now teaches at-risk youth. They shadow Waldo, an unusually articulate homeless man who drives a tricycle by day and sleeps in it by night wherever the cops won’t drive him away.
The three converge in a play that they help stage for a VIP audience. Through song, humor and dialogue, they voice the daily humiliations and dangers that mark the lives of the urban poor.
Together they push back against the tide of dehumanization of the destitute that has made killing them increasingly acceptable.
(Filipino Version)
Sa mga pinakamahihirap na komunidad ng Pilipinas, umaalingawngaw ang iyak ng mga namatayan ng mahal sa buhay. Araw-araw, may mahigit tatlumpung katao ang namamatay sa kamay ng mga pulis o vigilante.
Ang mga hinagpis ng mga nawalan ng ama, anak, at asawa ang siyang karinawang naririnig at napapanood ngayon sa telebisyon.
Para mabuo ang dokumentaryong “Busal”, hinanap ni Howie Severino ang ilang indibidwal mula sa pinakamahirap na sektor ng lipunan para marinig ang kanilang mga boses – mga aktibong miyembro ng kanilang komunidad, na artista pa sa teatro.
Isa rito si Lilian, ulirang lola na pinapalaki ang apo sa Manila North Cemetery, habang naghahanapbuhay sa mundo ng mga patay. Isa rin sa mga nakilala ni Severino si Christian, binatang nakatira sa ilalim ng tulay. Nagsikap siya para makapagtapos ng vocational course at ngayo’y nagtuturo sa mga out of school youth. Kaibigan nila si Waldo na araw-araw namamasadasa mga kalsada ng Maynila gamit ang kaniyang tricycle na siya ring nagsisilbing tulugan niya sa gabi.
Magkikita-kita ang tatlo sa isang dula na inihanda para sa ilang VIP na panauhin. Sa pamamgitan ng mga kanta, dialogue, at pagpapatawa, ibabahagi nila ang nararanasan nilang diskriminasyon at peligro na nagmamarka sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.