Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs
'Kagat ng Mosquito Press,' dokumentaryo ni Howie Severino ngayong Sabado sa 'I-Witness'

September comes around this year with more nostalgia than ever before for the martial law era.
Howie Severino looks back on those years through the experiences of the "mosquito press," the independent newspapers that published news that the government-controlled press then dared not touch.
Howie and his team spent time with the family of the late Joe Burgos, the legendary publisher of We Forum and Malaya, and discussed his 1982 landmark series of articles on Marcos' fake medals.

It was an expose that exploded the hero's myth of Marcos, a journalistic coup that has suddenly become relevant again with the debate over Ferdinand Marcos' burial.
Together with Joe Burgos' widow Edith, Howie and his team journey to a farm in Bulacan to excavate dusty piles of old mosquito press newspapers and photographs.
There they rediscover a martial-law era marked by a persistent opposition, military atrocities, social ferment, and individual bravery.
It's a record of the past made possible only by a kind of journalism that risked everything for the truth.

While leafing through the frayed pages of Malaya newspaper from 1985, Howie is surprised to find his name on the front page in news that he reads for the first time. It reveals a personal connection to the subject of his documentary.
It was just another instance of how the mosquito press that helped topple a dictator also made sure that we do not forget the past.
Filipino version:
Dala ng bawat Setyembre ang mga alaala ng martial law.
Babalikan ni Howie Severino ang dekadang iyon mula sa mga mata ng binansagang “mosquito press”, mga independent na pahayagang naglalathala ng balitang hindi lumalabas sa mga kontroladong diyaryo ng diktaturya.

Nakasama ni Howie ang pamilya ni Joe Burgos, beteranong mamamahayag at publisher ng We Forum at Malaya. Itinalakay nila ang isa sa pinaka-kontrobersyal na headline ng kanilang pahayagan -- ang kanilang eksklusibong serye ukol sa mga pekeng medalya ng dating Pangulong Marcos.
Naibunyag at kalauna’y nabasag roon ang mitong ipinalaganap ni Marcos ukol sa kaniyang mga tagumpay bilang isang sundalo noong ikalawang digmang pandaigdig. Isang serye ng mga artikulo na napakahalaga hanggang ngayon kung kailan mainit na pinagdedebatihan ang paglibing ng dating pangulo sa Libingan ng mga Bayani.

Kasama ang byuda ni Joe Burgos na si Edith, nagpunta si Howie at ang kaniyang team sa Bulacan para halukayin ang mga lumang diyaryo at litrato na pinaka-iingatan ng pamilya.
Doon nila sasariwain ang panahon ng pakikibaka at oposisyon ng mga indibidwal na naglakas loob ibunyag ang mga pang-aabusong nagananap noong martial law.
Ito’y isang rekord ng kasaysayan na naging posible lamang dahil sa mga mamamahayag na nagbuwis buhay sa ngalan ng paglalathala ng katotohanan.

Habang unti-unting binubuklat ang mga pahina ng nakaraan, makikita ni Howie ang kaniyang sarili sa front page ng Malaya noong 1985 – taon kung kailan siya dinakip kasama na tanyag na direktor na si Lino Brocka. Ito ang kauna-unahang pagkakataong makita niya ito.
Isa lang itong patunay na malaki ang papel na ginampanan ng mosquito press hindi lamang sa pagbagsak ng diktaturya, kundi sa pagsiguro na hindi tayo makalilimot sa nakaraan.
More Videos
Most Popular