Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

PNP Chief Ronald 'Bato' Dela Rosa, makakapanayam ni Jay Taruc sa 'I-Witness'


“BATO”

Dokumentaryo ni Jay Taruc

July 9, 2016

 

Nakilala ang pangalang “General Ronald dela  Rosa” nang mabalita sa diyaryo, TV at social media ang kanyang pagkakatanggal bilang Brigade Commander ng Reactionary Support Force sa National Headquarters sa Camp Crame. Inalis siya sa puwesto ng dating PNP Chief Ricardo Marquez dahil sa umano’y lantarang pagsuporta nito sa tumatakbong si Mayor Rodrigo Duterte bilang pangulo.

Magkaibigan at parehong tubong Davao ang dalawa.

Pero tila mapagbiro ang tadhana. Pinalitan ni Dela Rosa bilang hepe ng PNP ang mismong tao na nangtanggal sa kanya sa puwesto.

Ngayon, si General Ronald Dela Rosa ang ika-21 na naging pinuno ng PNP.

Katulong na siya ni Presidente Duterte sa pagsugpo sa kriminalidad sa bansa.

Ngunit bago pa man umupo sa puwesto, ramdam na ang kanilang impluwensya sa lipunan.

Nagsimulang sumuko ang drug pushers at users sa mga awtoridad sa pangambang pati sila ay isusunod na patumbahin dahil na rin sa kabi-kabilang balita ng mga namamatay na hinihinalang drug pushers.

Si General Dela Rosa na kaya ag sagot sa paglutas sa matagal nang problema sa droga?

Sino nga ba ang totoong Ronald Dela Rosa?

Alamin sa I-WITNESS ngayong Sabado pagkatapos ng Lip Sync Battle.