'Cannabis,' dokumentaryo ni Jay Taruc ngayong Sabado sa 'I-Witness'
“CANNABIS”
Dokumentaryo ni Jay Taruc
June 18, 2016
Si Girlie ay may anak na laging inaatake ng epilepsy. Nakikitira lamang silang mag-ina sa bahay ng kapatid sa Caloocan. Walang permanenteng trabaho dahil kailangan niyang bantayan si Julia. Madalas kasing umaatake ang seizures dito at nangangamba siyang kapag nalingat siya ay may masamang mangyari kay Julia.
Kaya walang tigil ang kanyang pagsasaliksik kung ano pa ang pwedeng gawin para maging normal ang buhay nilang mag-ina at humaba pa ang buhay ng anak. Bukas siya sa lahat ng posibleng lunas kasama na rito ang paggamit ng marijuana bilang gamot.
Sa kasalukuyan, isang kongresista ang nagsusulong na maisabatas ang paggamit ng medical marijuana. Pero ang ilan, tutol dito dahil baka maabuso at lalong lumala ang adiksyon. Kailangan pa raw ng masusing pag-aaral ukol sa mga gamit at masamang epekto nito.
Ngayong Sabado, samahan si Jay sa kanyang dokumentaryo, “Cannabis”, at kilalanin ang mga taong handing sumubok ng alternatibong paraan, gumaling sa sakit. Mapapanood ang “Canabis” ngayong Sabado s I-Witness, pagkatapos ng Magpakailanman.