Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Gulong ng Pag-asa," dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo ngayong Sabado sa 'I-Witness'


“Gulong ng Pag-asa”
Dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo
Feb. 20, 2016

“Pasan-pasan” na ang ibig sabihin ay binubuhat sa likod o nagsasakripisyo para mapabuti ang kalagayan ng iba…ito ang kuwento ng dokumentaryo ng I-Witness noong 2010 tungkol sa pagmamahal ng isang ina at isang kapatid para sa kamag-anak na may kapansanan.
Si Pablito na may sakit na brittle bone disease o malalambot sa buto, ay natatali sa kanyang wheelchair. Dahil ang maliit niyang katawan ay madaling mabalian, umaasa si Pablito sa kapatid na si Jason. Siya ang nagpapaligo , nagbibihis at naghahatid sa kanya sa eskwela.   Malapit na malapit ang magkapatid, na pinagtibay ng kanilang matinding pagmamahal sa isa’t-isa. Nangako si Jason na aalagaan ang kapatid habang siya ay nabubuhay.  Noong 2012, nasaksak si Jason at namatay.
Mula noon, napilitan na si Pablito na mabuhay nang mag-isa. Gumagapang at tinutulak niya ang katawan mula sa wheelchair paakyat sa lababo para maligo nang mag-isa kahit pa inaabot siya ng isang oras bago matapos. Ngayon, nakatira siya sa isang shelter para sa mga may kapansanang tulad niya. Pumapasok siya sa isang eskwelahan kung saan nakikipagsabayan siya sa ibang mga batang walang kapansanan.  Lumaban pa siya sa isang chess competition.  Nanalo at pumangalawa pa siya sa provincial meet. Mag-isa man sa mundo, ang taong may maliit na katawan pero may malaking pangarap ay bumangon at tila nagwagi sa hamon ng buhay.
Si Bujana na ipinanganak na walang kamay at paa, ay nabubuhay din sa tulong ng kanyang ina. Dahil dito, malapit na malapit siya sa kanyang ina at madalas na nangungulila rito. Dahil hindi niya mayakap ang ina, madalas umiiyak na lamang siya at ang mga luha niya ay naiiwang natutuyo na lang sa kanyang mukha. Nang makatapos sa high school, pumasok si Bujana sa art school.  Natuto siyang magpinta gamit ang kanyang bibig.  Noong nakaraang taon, naimbita siya na ipakita ang kanyang talent sa isang art event para sa mga may kapansanan sa Thailand.
Ipinakita nina Pablto at Bujana na mayroong pag-asa sa kabila ng mga pagsubok na tila hindi kayang lampasan ng mga taong tulad nila.  Ipinakita nilang kahit may kulang na parte sa kanilang katawan, pero malaki naman ang kanilang puso at matibay ang kanilang damdamin, maaring malampasan ang mga balakid at bumuong muli ng mga pangarap.  Ngayong Sabado sa I-Witness, babalikanß ni Sandra Aguinaldo ang mga pambihirang taong ito sa “Gulong ng Pag-asa”, mapapanood sa GMA, pagkatapos ng Celebrity Bluff.

English translation: 

Pasan-pasan” which literally means to carry on one’s back, and figuratively, to make sacrifices for the betterment of another… such is the story of the I-Witness documentary produced in 2010 about a mother and a brother’s love for a relative with disability.

Pablito, who suffers from brittle bone disease is confined in a wheelchair. Because his small body is prone to fractures, he relies heavily on his brother Jason—from taking a bath, getting dressed and then going to school. They have a solid relationship cemented by deep affection for each other.  Pablito’s brother vowed to take care of him as long as he lives. In 2012, Jason was stabbed dead.
Since then, Pablito is forced to take care of himself.  He crawls and pushes himself out of his wheelchair, onto a sink where he takes a bath on his own, even if it takes him an hour to finish. He now lives in a shelter for persons with disabilities, having found comfort in the company of other people like him. He goes to a regular school and participated in a chess competition where he placed second in the provincial meet.  Alone in the world, this tiny man with big dreams seems to have beaten the odds.
Bujana, born without both arms and legs, also survives with the help of her mother.  Understandably, she is very attached to her and often suffers from homesickness. Unable to hug her mother goodbye, she cries to pour out her sadness, her tears left to dry on face.   After graduating from highschool, Bujana moves on to a year in art school. She finds an outlet in painting, using only her mouth. Last year, she was invited to showcase her budding talent in an art event for persons with disabilities in Thailand.
Pablito and Bujana has shown the world that there is hope despite the seemingly unsurmountable challenges that face people like them.  They have shown that despite lacking some body parts, yet equipped with a big heart and unshakeable spirit, barriers can be broken, and dreams can be rebuilt. This Saturday on I-Witness, Sandra Aguinaldo revisits these amazing individuals in “Gulong ng Pag-asa” on Gma, after Celebrity Bluff.

Tags: plug, pr, iwitness